Chapter 3

55 4 0
                                    

M-ENTERTAINMENT

-ERYX-

"Welcome to M Entertainment Mr. Delgado "nakangiting wika ko sa bagong artist ng agency na si Aries Delgado.

Again , I got one of the hottest and in-demand actor in the country and I'm so lucky dahil ito na mismo ang lumapit sa M-Ent.

"I'm looking forward to working with you Mr. Spencer" Aries smiled back at me

I stared at the man in front of me.

Hindi na ko magtataka kung bakit napakadaming kababaihan ang nababaliw kay Aries because he's not just good looking , magaling din itong artista plus the good personality.

How did I know?

Well , I always do background checks. Sinisiguro ko na lahat ng artists ko ay pasado sa standards ng kumpanya.Ayaw na ayaw ko sa gulo at eskandalo kaya ako na mismo ang naniniguro na matitino lahat ng artists na i-mamanage ko.

We are discussing about the company policies when the door of my office swung open.

Napasimangot ako ng bumungad sa akin ang mukha ng pinsan kong si Alexandaire Montegrande.

"Hey Eryx! Have you seen the news? That Franco that you hate so much is-" napatigil ito sa pagsasalita ng makitang may ibang tao sa loob ng opisina.

Damn! Kahit kailan talaga ay hindi marunong kumatok ang isang ito.

"Oh . . . hell , I'm sorry I didn't knew you have a visitor" hinging paumanhin nito.

"Then you should know how to knock Daire!" sikmat ko sa kanya.

"You should've told me he's having a meeting!" baling nito sa sekretarya kong si Dream na humahangos papasok ng office.

Nakita niyang tiningnan ng masama ni Dream si Daire.

"Sana man lang kase ay pinatapos mo muna kong magsalita bago ka nagmartsa papunta dito" naasar na wika ng babae.

"When I asked if Eryx was inside , you should've said that he's having a meeting!" di nagpapatalong sagot naman ni Draire.

So childish!

"Di sana iniba mo yung tanong mo kung yan ang gusto mong makuhang sagot!" gigil ng wika ni Dream.

Napansin kong tumataas na ang boses ng babae kaya pinatigil ko na ang mga ito.

"Enough , you two! Can't you see that I have a visitor?" I said raising my voice.

Agad namang bumaling ang tingin ni Dream sakin saka yumuko.

"I'm sorry Sir Eryx. Palalabasin ko na po itong pinsan niyo" apologetic na wika nito saka hinawakan si Daire sa braso.

Akmang kakaladkarin na niya ito palabas ng magsalita ako.

"It's okay Ms. De Guzman ako nang bahala kay Daire. You can leave now." utos ko na agad naman nitong sinunod. Tumalikod na ito at naglakad palabas ng opisina.

Hindi makapaniwalang napabuntong hininga si Daire.

"That woman! How come that she sounds so nice when she's talking to you , tapos kapag ako ang kausap niya ay para siyang asong lobo na galit na galit?" naiinis na reklamo nito na ikinangiti ko

This cousin of mine is so naive. Tsk! Tsk!

"I'm her boss you know. Alangan namang singhalan niya rin ako" nakangising saad ko.

Umiling-iling ito.

"I don't think that's it! She's nice to Gray , Symon , Wayne , Estelle and even to Rion na kakakilala niya palang! What exactly is her problem with me?" litanya nito.

ORION'S STAR (Orion Montegrande)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon