Chapter 8

44 2 0
                                    

-Orion-

"She's your girlfriend?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Daire. Ang mga tao sa paligid ko ay ganoon din ang anyo at tila hinihintay akong sagutin ang tanong na iyon.

Napabuntong-hininga ako , hindi alam kung paano sasaguting ang tanong.

Girlfriend ko pa ba sya? Well , we haven't broken up in the past kaya para sakin girlfriend ko parin siya.

"Ano na?" tila naiinip na saad ni Lea. Nakataas ang kilay nito at bahagyang nakasimangot.

Damn this woman! Bakit ba ganito siya?

"W-well" tumikhim ako. "I , I think so"

"What?!" napapitlag ako ng sabay-sabay na sumigaw ang mga ito.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Lea. Napikon na marahil ng tuluyan sa akin.

"Dude , can you explain better?" ani Eryx , nakakunot na ang noo. "Yung maiintindihan sana namin"

I sighed.

"Bellatrix and I , we had a past. Pareho kaming galing sa Hope Orphanage. We fell in love with each other , pero nagkahiwalay kami ng kunin ako ni Lolo Ems ng biglaan doon. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya pero nangako ako sa sarili kong babalikan ko siya. But when I came back , wala na siya roon. Ang sabi sa akin ay kinuha na siya ng nanay niya at dinala sa France" malungkot na kwento ko. Sinasariwa sa isip ang nakaraan.

Muli kong naramdaman ang panlulumo , sakit , panghihinayang at pagsisising naramdaman noon.

"Is she the reason kung bakit pinagpilitan mong mag-aral sa France noon?" tanong ni Estelle.

I nodded. "She was the reason kung bakit sa France ako namalagi. I look for her there for years"

"Pero hindi naman tumira ng France si Bella" sabad ni Amie saka nilingon si Lea. "Di ba miss Lea?"

What? Naguguluhang napatingin din ako kay Lea.

"Walang nabanggit si Bellatrix na tumira siya sa ibang bansa. Nakilala ko na siya noong mga panahon na nagsisimula palang siya sa career niya" umiling ito. "Matagal na kaming magkaibigan at marami narin siyang naikwento tungkol sa buhay niya. Hindi niya nabanggit na tumira siya sa France o sa kahit saang bansa."

"N-no , that can't be" naguguluhang umiling  din ako.

Matamang tumitig ang babae sa akin.

"Alam ko ang kwento ng buhay ni Bellatrix dahil ikuwinento niya iyon sa amin ni Amie. Alam naming lumaki siya sa bahay ampunan. Kahit minsan ay hindi niya samin nabanggit na tumira siya sa France" dagdag nito.

"No. Ang sabi sa orphanage noon ay kinuha siya ng nanay niya at dinala sa France dahil nakapag-asawa ang nanay niya ng French"  giit ko.

"Dude , baka naman may misunderstanding lang" sabat ni Gray.

"Imposible yun Gray. I always check on the orphanage. Palagi akong nagtatanong doon about her. Kaya imposible ang sinasabi mo"

Bumuntong-hininga si Lea. "Ang mabuti pa ay kayong dalawa nalang ni Bella ang mag-usap. Kahit kailan ay wala siyang  nabanggit na lalaki sa amin kaya wala kaming ideya tungkol sa inyo"

"When was the last time you check the orphanage?" tanong ni Wayne.

"Yesterday" nakayukong ani ko.

Naguguluhan na ako.Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan.

"And they told you na nasa France parin siya?" - Symon.

Tumango ako."Yeah , Pumupunta ako ng Hope orphanage everytime na umuuwi ako ng  bansa. Nakikibalita ako tungkol kay Bellatrix"

ORION'S STAR (Orion Montegrande)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon