Oh kay sarap sa ilalim
Ng kalawakan
Kapag kapiling kang
Tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin
Sa pagmamahalan
Nating dalawa . . . Nating dalawa . . .
Hindi mapigilan ni Rion ang mapatitig sa magandang mukha ni Bellatrix habang pinakikinggan ang mala-anghel na tinig ng dalaga.
Naroon sila ngayon sa paborito nilang tambayan sa likod ng bahay-ampunang kinaroroonan nila. Paborito nilang dalawa ang lugar na iyon dahil tanaw mula sa damuhang inuupuan nila ang ganda at kinang ng kalangitan.
Mula ng dumating siya sa hope orphanage dalawang taon nang nakalilipas ay malaki ang pagbabagong naganap s buhay niya. Ang dating tahimik at malungkot na Orion ay biglang naging masigla at masayahin magmula ng makilala niya si Bella.
His young heart fell for this girl in an instant.
Bellatrix is a quiet , shy girl. Sa kabila ng kagandahan at talentong meron ito ay wala itong kumpyansa sa sarili. Palagi lang itong nakaupo sa isang tabi at nag-iisa.
He's the first one who reached out to her. Aminado siyang mahirap dahil mailap ito , ngunit sa huli ay nakuha rin niya ang loob nito at naging magkaibigan sila.
Naipalakpak niya ang mga kamay ng matapos ito sa pag-awit.
"Napakaganda talaga ng boses mo Bellatrix!" nakangiting puri niya dito.
Namula agad ang mukha nito dahil sa sinabi niya.
"N-nagustuhan mo ba?" nahihiyang tanong nito.
Mabilis pa sa alas kuwatrong tumango siya.
"You're so good! Sigurado akong matutupad ang pangarap mong maging isang sikat na singer balang araw" aniya.
"Sana nga" nilingon siya nito. "Ikaw Orion , anong pangarap mo? A-alam mo kasi . . . matagal na tayong magkaibigan pero di mo pa nasasabi ang pangarap mo."
Napaisip siya dahil sa tanong nito.
"Dati nung nasa Love orphanage ako wala akong pangarap sa buhay. Nawalan na ako ng pag-asang babalikan pa ko ng nanay ko kaya di narin ako nag-aksaya ng panahon na isipin pa ang future ko. Pero nung nalipat ako dito at nakilala kita nag-iba na bigla ang takbo ng buhay ko. Natuto akong ngumiti ulit at pahalagahan ang buhay ko." he said staring intently at her.
She stared at him back , waiting for him to continue.
"Because of you Bellatrix , I learned how to dream again. And that dream . . . is to marry you."
"H-ha?" halos di makapagsalitang sabi nito.
Her face turns red like a tomato. Kumurap-kurap ang mga mata nito habang nakatingin sa mukha nya. Sinusuri kung seryoso ba sya sa mga pinagsasabi niya.
He held her face with his two hands. Her face was cold because of shock.
"Seryoso ako." he smiled at her. "Pero nasa sa iyo kung tutulungan mong matupad ang pangarap kong yun."
Pinitik nito ang noo niya saka pilit na tumawa.
"Puro ka talaga kalokohan Orion Santillan" naiiling na turan nito.
Hinuli niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit.
Napasinghap ito.
"I love you Bellatrix Lorenzo" he sincerely said. "I really do"
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga dahil sa sinabi niya. Pero sandali lamang iyon dahil agad na napalitan iyon ng mga tanong at pag-aalala. He needs to find a way para mag open up ito sa kanya.
"Magsalita ka naman!" maktol niya sa nakatulala paring Bella. "Okay lang naman sa akin kung hindi mo ako gusto-"
"H-hindi Orion . . . gusto din kita kaso . . . kaso masyado pa tayong bata para magpakasal" nakayukong wika nito na nagpatawa sa kanya.
Bigla ang pagtingala nito ng maramdaman ang pagtawa niya.
"S-sinasabi ko na nga ba pinagti-tripan mo lang ako eh!" asar na wika nito saka marahan siyang tinulak.
Agad naman niyang hinawakan ito sa magkabilang balikat para pigilan sa pag wo-walk- out nito.
"Hindi kita pinagti-tripan Bella , natawa lng ako dahil napaka inosente mo." paliwanag niya na lalong nagpasama ng timpla nito.
"Hey! I mean ang cute mo. Bella hindi mo naman ako kailangan pakasalan agad , of course we have to wait hanggang umabot tayo sa tamang edad"
Napagtanto naman nito na may point ang mga sinabi niya kaya lalong namula ito sa sobrang hiya.
Natatawang niyakap nalang niya ito. Itinago naman nito ang mukha sa dibdib niya saka gumanti ng yakap.
"I love you Bella" sambit niya saka niyakap ito ng mahigpit.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka sinalubong ng tingin ang mga mata niya.
"Paano kapag kinuha ka na ng nanay mo dito sa ampunan Rion? Paano na tayo?" nag-aalalang tanong nito.
"Hindi ko na inisip na darating pa ang panahong iyon." wika niya. "Pero kung mangyari man iyon , willing ka bang sumama sa akin?" I asked.
Masiglang tumango ito.
"Oo Rion! , kahit saan ka pa pumunta nakahanda akong sumama sayo."
He smiled again. His heart was filled with so much happiness.
"Yan lang ang kailangan kong marinig" he hugged him again.
"Kung sakali mang kunin ako ng nanay ko dito , isasama kita. Pero pag nauna kang kunin ng nanay mo , I promise Bella gagawa ako ng paraan para magkasama parin tayo" pangako niya.
"Alam mo ba , dati pangarap kong dumating ang panahon na babalikan ako ng nanay ko dito" wika nito. "Pero sa ngayon , parang ayaw ko munang isipin ang bagay na iyon."
Tinapik niya ang likod nito.
"Tama , wag muna nating isipin ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay i-enjoy nalang muna natin ang kung anong meron tayo ngayon" aniya.
She nodded.
Magkahawak-kamay nilang pinanood ang mga bituin sa langit.
"Rion" sambit nito sa pangalan niya.
Nilingon niya ito.
"Yung kantang inawit ko kanina ... birthday gift ko yun sayo" anito.
"T-talaga?"
"Oo , sinulat ko ang kantang yun para sa iyo. Gusto ko balang araw ay marinig iyon ng buong mundo para malaman nila kung gaano natin kamahal ang isat-isa." nakangiting sabi nito.
And hearing that? It made him feel like he's the luckiest man in the universe.
"I love you Bellatrix. You are my brightest star" he said as he leaned closer to her.
"I love you too Orion , I love you to the outer space and back."
And then , they sealed their love with a kiss.
BINABASA MO ANG
ORION'S STAR (Orion Montegrande)
RomanceMONTEGRANDE SERIES 1 Because of the tragedy that ends his father's life and made his mother became mentally unstable , Orion was forced to live in an Orphanage. That's where he met the quiet and loner Bellatrix. The moment he saw her ay alam na niy...