-ORION-
Bellatrix . . . Bella . . .
"Hey bro , are you okay?"
Nagising ako sa marahang tapik na naramdaman ko sa kaliwang pisngi ko.
Iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nakakunot-noong mukha ng pinsan kong si Symon Collin Montegrande. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Get your face away from mine , will you Symon?" asar na itinulak ko palayo ang mukha niya saka inilibot ang paningin sa paligid.
Mabuti nalang at iilan lang ang pasaherong nakaupo sa first class seat ng eroplanong sinasakyan namin kaya wala gaanong makakakita sa kabaliwan ng lalaking ito.
"Sungit! Meron ka ba ngayon pare?" pang aasar pa niya.
Tiningnan ko siya ng masama na nagpatahimik sa kanya.
I was known as the most hot - tempered grandson of the Montegrandes kaya tumatahimik ang mga ito kapag alam nilang galit na ako.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata upang matulog. Masyado pang mahaba ang byahe namin at kailangan kong mag ipon ng energy para masagot ang mga katanungan ng mga pinsan ko at ni lolo Emilio.
Pero kung ako ang pinakamainitin ang ulo sa aming lahat , Si Symon naman ang pinakamadaldal at tila ba walang epekto dito ang pagsusungit ko.
"Rion" tawag niya sakin.
Hindi ko siya pinansin. Isinuot ko ang sleep mask at saka muling pumikit.
"Hey!" niyugyog niya ang braso ko.
Inis na tinanggal ko ang takip sa mata saka hinarap siya.
"What the hell do you want?" tumaas ng bahagya ang boses ko dahilan para mapatingin sa amin ang ilang pasaherong kasama namin.
Agad naman kaming nilapitan ng isang flight attendant at mapang-akit na ngumiti.
"Is there something that inconvinience you sir?" tanong ng babae sa akin.
"Not something , someone!" wika ko habang masamang nakatingin kay Symon.
Tila naguluhang napakunot ang noo ng babae dahil sa sinabi ko.
"No problem here miss. Medyo stressed lang tong pinsan ko kaya mainit ang ulo." natatawang wika ni Symon.
Ngumiti namang muli ang babae saka tumingin sa akin. Kumindat pa ito bago tumalikod.
Napabuga ako ng hangin. I just want this trip to be peaceful. And this cousin of mine , is not helping.
"Let me sleep , please?" I said , frustration all over my face.
"Not until you told me who that Bella is" umiiling na saad niya.
Nagulat ako sa pagbanggit niya sa pangalang iyon.
"W-Who?" Iasked. Baka namali lang ako ng rinig.
"Bellatrix"
"How did you know her? I asked again.
How did he know her? Hindi ko matandaan na nabanggit ko sa kahit sino sa pamilya ko ang pangalang iyon.
"Naman Rion! Magtatanong ba ko kung sino si Bella kung kilala ko siya?" naiiling na saad nito.
"You've been calling her in your dreams kanina. So who is she? Come on tell me!" pangungulit pa nito.
Saka ko lang naalala ang panaginip kanina. It was my past . . . with Bella. Noong mga panahong ako pa ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi ko parin nahahanap si Bellatrix.
BINABASA MO ANG
ORION'S STAR (Orion Montegrande)
RomanceMONTEGRANDE SERIES 1 Because of the tragedy that ends his father's life and made his mother became mentally unstable , Orion was forced to live in an Orphanage. That's where he met the quiet and loner Bellatrix. The moment he saw her ay alam na niy...