Chapter 17

22 2 0
                                    

-Bellatrix-

"You belong only to me"

Puno ng emosyon ang mga mata niya ng sabihin ang mga katagang iyon.

"Please be with me again Bellatrix"

Naikurap ko ang aking mga mata. Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig niya. Para akong malulunod sa napakagandang uri ng kanyang mga mata.

"D-do you know what you're s-saying?" halos pabulong na wika ko. Inuubos ng lalaking ito ang lakas ko.

"I want you back" aniya saka mas hinapit ako palapit sa kanya.

Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. Kahit nanghihina ay pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya. Kahit pa nagugustuhan ng katawan ko ang init na nagmumula sa katawan niya ay alam ko sa sarili kong mali ang ginagawa namin.

Ayokong i-justify ang sinasabi ng mga haters ko na malandi ako. Kahit pa mahal ko ang lalaking ito ay mas pipiliin ko pa rin ang gumawa ng tama.

"Stop it Orion" pilit kong pinatatag ang ang tinig ko.

Pero para siyang walang naririnig.

"Don't fight your feelings Bellatrix. I can feel it. Alam ko ng mahal mo pa rin ako" hindi nagpapatalong wika niya.

Nababaliw na ba ang lalaking ito? Anong bang gusto talaga nitong mangyari?

"Hindi na kita mahal!" sigaw ko para matigil na siya. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para gawin ang kahibangang ito.

Ang Orion na kilala ko ay hindi ganito.

"No!"

Inipon ko ang lakas ko at itinulak siya. Binitawan naman niya ako pero hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya.

"Sino ba ang may sabi sa iyo na mahal pa kita?" nagtapang-tapangan na ako. Kailangang mapaniwala ko siya na wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya.

"Bella ---"

"Orion it's been twelve years. Marami na ang nangyari sa nakalipas na mga taong nagdaan. Paano ka nakakasiguro na mahal pa kita? Iniwan mo ako diba? So how can you expect me to love you until now?

"I had my reasons Bellatrix. Hindi ko sinasadya na umalis ng walang paalam noon. Bumalik ako . . . binalikan kita pero wala ka na"

"Bullshit!" hindi ko namalayang sumisigaw na pala ako. Lahat ng hinanakit ko sa lalaking ito ay biglang bumalik sa sistema ko.

"Don't lie to me Orion"

"But it's true! I came back and ---"

"Please" nakikiusap ng wika ko. Hindi ko na kayang tagalan ang sakit na nararamdaman ko. Ayokong umiyak sa harap ng lalaking ito.

"Bakit hindi mo muna pakinggan ang mga paliwanag ko?" malungkot na wika nito.

Mapait akong ngumiti. "What's the use? Hindi naman maibabalik ng mga paliwanag mo ang mga nangyari noon. Hindi naman maiibsan ng paliwanag mo ang sakit na naramdaman ko noon na nararamdaman ko parin magpahanggang ngayon"

Hindi ito sumagot. Tahimik lang itong tumitig sa mukha ko.

"Kalimutan na natin ang noon Orion. Mas magiging masaya tayo kung pareho na tayong aabante mula sa nakaraan"

Emosyonal itong umiling-iling.

"I can't Bellatrix. I still love you"

Umawang ang mga labi ko. Gago ba to?

"Ano bang pinagsasabi mo!?" naiinis na wika ko. Ang puso ko ay nagwawala na dahil sa sinabi nito.

Mahal niya pa rin ako . . .

ORION'S STAR (Orion Montegrande)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon