Chapter 25

23 2 0
                                    

-Bellatrix-

I marched out of the restroom smiling like a winner.

I don't want to be a bitch but that snake is giving me a reason to be like one. Sa sobrang gigil ko sa kanya ay kung ano-ano tuloy ang nasabi ko. Namutla tuloy ang gaga.

Well it's her fault dahil maldita siya! Malas niya lang dahil mas maldita ako sa kanya!

Paglabas ko ng pinto ay muntik akong mapasigaw ng makita kong nakasandal sa pader sa labas ng restroom si Orion.

Hah! Mukhang sinundan pa niya ang demonyita niyang fiancee! Di ba marunong maglakad pabalik ang bruhang iyon!?

"What?" I sneered at him. Mukha siyang tangang nakatingin lang sa akin.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin siya sa akin na para bang ibang tao ako.

"If you're going to scold me dahil inapi ko ang fiancee mo , I just want you to know first na siya ang nauna. Nananahimik ako  habang naglilipstick pero pinagsalitaan niya ako ng hindi maganda" pinandilatan ko siya ng mga mata sabay turo sa may bandang dibdib ko. "You don't expect me to just shut up and cry in a corner just like in the past right?"

Ng marinig ko ang mga tunog ng heels na nagmumula sa restroom ay mas nilakasan ko ang boses ko.

"At pakisabi sa fiancee mo na wag siyang chismosa! Daig pa niya yung mga cheap na reporters na umaaligid sa akin. And FYI kamo . . . . wala akong pinupuntirya sa isa man sa pamilya mo. May pera ako kaya hindi ko kailangan mag-asawa ng mayaman para umangat ako!"

Yun lang at humakbang na ako palayo sa kanila. Naiikot ko ang mga mata ko ng maulinigan ko ang maaarteng sumbong ng babaeng iyon kay Orion.

Magsumbong siya! Wala akong pake!

Bago makabalik sa main hall ay sinalubong ako ni Symon. Tagawagin na daw sana ako para magperform pero nawawala ako kaya ang daddy nalang muna niya ang nauna at nag-play ng piano.

"Naku sorry . . . may nakita kasi akong sawa sa restroom kaya natagalan ako"

"S-sawa? . . . as in snake!?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

Jusmio! Patola pala ang isang to .  .  .

"Yes a snake! A big voluptuous one"

Saglit itong natigilan. "May voluptuous ba na snake?" kunot-noong tanong niya.

Stupid!

"Yeah of course! I saw one when I visited the Manila zoo" pigil ang tawang sagot ko.

"Jesus Christ! Then it is dangerous!"

Nginitian ko siya bago pa siya magpanic. "Don't worry , tinapakan ko naman na yung sawa kaya wala na siya doon"

"Y-you kill it!?" di makapaniwalang tanong niya.

Frustrated na napabuntong hininga ako dahil sa pagiging gullible niya.

"Yeah . . . so don't panic na okay?"

"But still , nag-alala pa din ako." sumenyas ito sa  mga bodyguards nila. "Ipapacheck ko na din at baka may mga kasama yung snake na iyon"

Inutusan nga niya ang ilan sa mga tauhan na maghanap ng sawa sa restroom. Kahit mag hapon silang maghanap doon ay wala silang mapapala.

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko naman kasalanang engot siya at hindi siya aware sa kung ano ang totoo at kung ano ang joke.

Tsk! Doctor pa mandin pero waley ang sense of humor.

"Lorraine!" mabilis na nilapitan ni Symon ang babaeng kararating lang kasama si Orion.

ORION'S STAR (Orion Montegrande)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon