Chapter 34: Thursdate

16 1 0
                                    

Thea's POV
Papunta kami ngayon sa mall. Magkikita'kita lang. Makikibalita din kami sa bakasyon ni Alexa. Nakooo! Team Carlexa pa din ako! Pagdating namin sa mall ay kumain na kami.

"Kamusta naman ang Team Lalexa?" Panimula ni Abegail! Nakoo ang baduy!

"Lalexa?" Sabi ni Alexa. Minsan talaga tanga tong babaeng to!

"Lance and Alexa. Oh my gosh! Pumoporma na agad siya ha" sabi ni Abegail na kinikikig. Pinalo ko naman ang noo niya.

"Carlexa for the win! Walang titibag oy. BenteSais walang titibag bhe!" Sabi ko sabay cheer. Buti na lang at konti lang ang tao dito ngayon.

"BenteSais?" Sabi ni Alexa. Bakit nga ba bente sais?

"Gawa gawa ko lang yun. Pero wala talagang titibag sa Carlexa" sabi ko.

"Stop it. Mag pinsan kami ni Lance at nagkaibigan kami ni Carlo. I'm scared.. scared to love and trust again"

"He taught you how to love again Alexa. You just didn't appreciate it. Think of it." Sabi ko ng seryoso. Alam kong yun yung way niya para turuan siya magmahal ulit. Magmahal lang. Pero hindi mag tiwala.

"He taught you to be happy again Alexa. Appreciate the little things" sabi ni Abegail. Well. I agree to her.

"Tara na lang mamili! Ang dami niyu pang sinasabi. Tara naa!" Sabi niya at lumabas na kami.

Kung saan saang boutique kami nagpunta. May nabili din naman kami. Nag SB na muna kami. Picture here picture there nga naman.

"Kamusta kayo ng boyfriend mo abegail?" Tanong ko. Mukhang hindi na siya nag kukwento

"Okay naman. Siyete walang titibag! HAHAHA" Natawa naman kami sa pagkakasabi niya ng seven. As in si-ye-te.

"Ikaw thea? Wala kang balak mag boyfriend? Ayun oh hottie! Lapitan mo na. Yieee" pangungutya ni abegail.

"Hahahahaha! Go Ann!" Pag chi'cheer naman ni Alexa sakn.

Gwapo naman talaga yung tinuro ni Abegail. His pointed nose, messy hair, plain tshirts, fitted pants at naka vans. Langya!

"Ano na? Let's have a deal. " sabi ni Alexa

"Ano na naman?" Sabi ko na medyo may pagkairita na.

"Kapag nagawa mo to at walang bitch na dumating para maging kontrabida you can use abegail's credit card and my car." Sabi ni Alexa at nilapag ang susi ng sasakyan niya . Lambo babyyy.

"Are you in Abegail?" Tanong ko kay abegail. Hindi siya umimik. At nilapag niya ang credit card niya.

"Kapag may dunating na bitch. We will use your credit card and your condo will be our home for 1 month" sabi ni Abegail. Wow naman!

"How long can I use your credit card and your car?" I said with matching dancing kilay. Hahaha.

"1 month" Alexa said with matching sandal sa upuan. She's fvckng serious! I lav eyt!

"Watch and learn bitches" sabi ko sabay ayos ng buhok at damit ko.

ABEGAIL'S POV
So she's fvckng serious. Nagtinginan lang kami ni Alexa sabay tawa. Malapit na si thea.

"Hello there" sabi ni Thea dun sa hottie.

"Excuse me Miss. Do I know you?" Sabi nung lalaki. Aba suplado.

"No. But now you will know me. I'm Thea. You?" Sabi ni Thea. Pacute ang potaaa!

"Neil" sabi nung lalaki. Sabay abot ng kamay niya kay thea. Agad namang nakipag shake hands si thea.

Biglang tumayo yung lalaki at inayos ang buhok niya. Bigla niyang ini'spread ng malawak yung mga braso niya. Oh my.

"Btch matatalo tayo neto" sabi ko kay Alexa. Pero chill lang siya.

"Hindi ko favorite ang Thinking Out Loud neil . Take me into your loving arms ba?" Sabi ni Thea kay Neil

"Hii babe. How are you?" Sabi nung neil.

Pero nagulat kami nung nag move forward si neil at lumampas kay thea. May babae pala sa likod ni thea. Hahahaha. Bumalik si Thea sa table namin.

"Credit and your condo key" sabi ni Alexa. Agad namang nilapag ni Thea yung hiningi ni Alexa.

"We love you thea" sabi ni Alexa. She meant it. I really know that she meant it

"Overnight na ituuuu" sigaw ko kung nasa condo na kami ni Thea.

"THANK YOU GIRLS" SABI NI THEA SABAY HUG

The Touch Of Fear (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon