2

2.5K 48 6
                                    

"Coco! Valentina Nichollea!"

I removed my gaze from the antique house, its yellow-beige color made it look like we're back to the primitive era. Though I just realized that my aunts' and uncle's house all look similar to our family house though there were already some touch of modernization in their architecture.

"Welcome back! How was your trip? Have you eaten? Mama and the tias are preparing your favorites!"

Hindi pa ako nakakapagsalita ay tinadtad na kaagad ako ng mga tanong ng pinsan. Kahit pagbati sa kaniya ay hindi ko nagawa dahil pagkatapos niya akong yakapin at halikan sa magkabilang pisngi ay mabilis niya akong hinatak.

Lumingon ako kay Papa at nakita siyang nag-thumbs-up. Dala-dala niya ang mga maleta namin ngunit mukhang wala namang problema sa kaniya na mauna ako kasama ang pinsan.

Kinailangan ko pang tumakbo para mapantayan ang bilis ng pinsan. Kung hindi kasi ay tiyak na kakaladkarin ako ng pinsan na napakalakas. Walang laban sa matipuno at malaki niyang anyo ang balingkinitan kong pangangatawan.

"Dahan-dahanin mo lang, Bea, hinahatak mo na 'yong tao oh!" Anang isa ko pang pinsan.

Kung si Bea ay athletic ang pangangatawan at nagmistula akong buto't balat kapag katabi siya, kay Vera naman ay parang duwende ako dahil sa malaking agwat ng kataasan namin. Pang-modelo ang katawan ng isang 'to at isa siya sa kaunti sa pamilya namin na mayroong magagandang mga kurba sa katawan.

Mabilis akong niyakap ni Vera at saka inangkla ang braso sa amin. Mas nadepina pa ang height gap namin ngayong dikit na dikit siya sa akin.

Katulad ng inaasahan ay tumigil kami sa may entrance ng airport. Ito palagi ang ginagawa namin tuwing bumabalik ako rito sa Aldea Blanca.

"Where's Mira and Lisa?" I asked while roaming my eyes around, trying to find our other cousins.

Kaming lima—Bea, Vera, Mira, Lisa, at ako—ang siyang magkaedad sa aming magpipinsan. Mahigit sampu kaming magpipinsan ngunit silang apat talaga ang pinakamalapit sa akin.

At sa aming apat, ako at si Mira lang ang maraming magkapareho, mula sa katangian hanggang sa pisikal na anyo. Ang natatanging kaibahan lang namin ay hindi ito masungit katulad ko. Mas mahinhin at hindi palaaway.

Bago pa makasagot ang pinsan ay biglang may umakbay sa akin. Alam ko na agad na ang dalawang pinsang hinahanap ko bago-bago lang ang siyang tumabi sa akin.

We posed in front of the airport and smiled for a picture. Each one of us were given a Polaroid photo which I immediately pocketed.

Taking our annual summer-picture-at-the-airport became a tradition for the five of us. We've been doing this since we were children. It started when I left for the city and every time I come back, it's always the four of them who fetch me.

"Look, you've grown so much," ani Papa at saka ibinalik ang dalawang Polaroid na tiningnan sa kay Vera. Kuryoso kong hiniram ang dalawang iyon—ang isa ay ang kakukuha lang namin at ang isa naman ay noong nasa elementarya pa lang kami.

Tama ang ama at may iilang pagbabago rin akong napuna ngunit hindi iyon ganoon kahalata. Likas na matalas lang talaga siguro ang mga mata ko sa mga detalye.

"Your skin is as pale and milky-white as ever," pagkomento ni Bea. "Mama always say that you should go out and get some sunlight more often."

Nginisihan ko na lang ang pinsan at saka pumasok na sa sasakyan habang tinitingnan pa rin ang mga litrato.

Simula noon ay palagi talagang may pumupuna sa balat ko. Hindi kasi pangkaraniwan ang mala-porselana kong balat sa pamilya namin kaya minsan ay tinutukso akong hindi kasapi ng angkan namin.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon