"Coco! Patingin ng invitation mo."
Iyon ang bungad ng mga pinsan ko nang makarating ako sa bahay. Hinatid ako ni Xaviell pauwi. At kahit sanay akong maglakad pauwi nang mag-isa, hindi ko naman maipagkakaila na maganda rin pala kung may kasama.
Tumaas ang kilay ko sa narinig, walang ideya kung ano ang tinutukoy ng mga pinsan. Tiningnan ko ang mga kamay nila at nakitang may kaniya-kaniya silang mga envelope na hinahawakan.
"Alam kong frenemy kayo ni Lolita pero sigurado naman akong inimbitahan ka niya," ani pa ni Vera at saka nilahad ang kamay, hinihintay yata na may ibigay ako sa kaniya. "Saan na? Patingin ng kulay ng sa 'yo."
"Parang neon something ang tema ng birthday niya," ani Bea. "Aniya kanina na iba-iba raw ang kulay ng mga imbitasyon at walang may magkapareho. Ano 'yong sa 'yo?"
I sighed and raised both hands. Napa-"ahh" naman ang mga pinsan nang mapagtanto na hindi nga ako imbitado.
"Baka nakalimutan lang," ani Lisa, pampalubag-loob kumbaga.
"Sus! Paki ko naman." Nagkibit balikat ako at saka dumiretso na sa kwarto para makaligo.
Mukhang big deal para sa mga pinsan na hindi ako invited eh wala naman talaga akong pakialam. Hindi kami close ni Lolita at normal lang na hindi ako imbitado.
"Oy! Valentina the vampire!" Tawag ng isang pamilyar na boses.
Kay aga-aga pa nga ngunit si Lolita na kaagad ang kaharap ko?
"Hindi ka invited sa birthday ko," aniya at saka nilagay ang mga kamay sa baywang. "Gusto sana kitang imbitahan kaso bawal ang pangit."
Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. "Oh? Birthday mo pero bawal kang pumunta?"
Ngumisi ako at saka binigyan siya ng naghahamong tingin. Hindi niya dapat ako nilapitan pa dahil natitiyak kong hindi ako magpapatalo. Wala akong ginagawa sa kaniya kaya huwag niya rin akong pakialaman!
"Excuse me? Walang pangit sa angkan namin!"
"Don't go down to their level, Valentina." Xaviell's words rang in my ear. "You're kinder than you think."
Kating-kati na ang bibig ko at gusto kong mag-alburoto dahil gusto kong sumagot. Ngunit anong magagawa ko ngayong paulit-ulit na ang mga sinabi ni Xaviell sa akin.
Oh, talaga? Eh anong nangyari sa 'yo? Ampon ka?
Iyon sana ang gusto kong isagot pero paano ba 'yan? I'm kinder than I think daw sabi ni Xaviell. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o in-e-echos niya lang ako pero 'di bale na, papanindigan ko 'yon.
I gave Lolita one sharp look and turned my back. Iyon lang talaga ang kaya ko at kung nanatili pa ako roon ay baka hindi ko na talaga napigilan ang sarili sa pagsagot.
"Hey, Coco!" Napaigtad ako nang biglang sumulpot si Salvador sa harapan ko. He was holding a bouquet of flowers and a box of Ferrero Rocher chocolates. "You're heading to the cottage? Can I come?"
Tumango ako at saka siya nginitian. Napatingin ako sa kaniyang mga dala at magtatanong na sana ngunit naunahan niya ako.
"These are for you, Coco," anang kaibigan kaya napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa gulat. "I just want to apologize for my behavior these past few days. I'm going through a rough time."
I smiled at him and messed with his hair. "I appreciate your apology, Sav, don't worry about it," I said reassuringly.
He smiled at me, his eyes gleaming as if he really appreciated my words. He handed me the bouquet and chocolates while intertwining his fingers with mine.
BINABASA MO ANG
First Heartbreak
RomanceIt only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic "dates" and long walks on the country side, everything seemed to go smoothly until chaos and issues...