28

791 18 9
                                    

Nabitawan ko ang phone nang mabasa ang ni-reply kay Xaviell. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at ba't ko sinabi iyon. I mean... it's just one word, it's not that big of a deal, right?

Pabalik-balik ako sa buong kwarto, hindi mapakali.

Did he read it? What did he think? Baka kung ano ang isipin niya at hindi ako makapagpaliwanag. What does it mean? Is this...

Napakagat-labi ako at kinuha ulit ang phone at saka tumawag sa aming group chat. Si Galaxy ang sumagot at nakangiti niya naman akong binati. Kandong-kandong niya ang anak at tinaas pa ang kamay nito at pinakaway sa akin.

"Napatawag ka?"

Bumukas ang bibig ko, mag-e-explain na sana pero walang salitang lumabas. Tinaasan ako ng kilay ni Galaxy kaya s-in-end ko na lang sa kaniya ang ni-reply ko kay Xaviell. Agad namang napasinghap ang kaibigan, nabasa na siguro ang screenshot.

"Aww! Look at you! No wonder you look different... good kind of different. Glowing, as some would call it," aniya sabay ngiti na parang kinikilig pa.

"Well, here's the thing, I don't know why I sent it," padabog kong sabi. "We were just texting and when I was typing my reply, that just came out. It felt right... huli ko na lang napagtanto iyon..."

Pinanliitan niya ako ng mga mata, mukhang naguguluhan pa sa akin. "Oh? So anong problema? Nag-o-overthink ka na naman? Ano naman ngayon kung mahal—"

"Galaxy!"

"What? Don't tell me you're allergic to that word?"

"Nakakahiya! Huwag mo akong tuksuhin!" Sinamaan ko siya ng tingin sabay pindot ng isang button para ma off ang camera ko.

"Hindi kita tinutukso! Dakilang overthinker ka lang talaga," aniya pa habang may kung anong pagkamangha sa boses. "Huwag ka na lang mag-isip. Kung hindi mo pa matanggap at mapaniwalaan, hayaan mo muna..."

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa narinig at in-onn na ulit ang camera. I saw Galaxy's gentle expression though there's still some hint of amusement.

"Don't overthink it... if it felt right to the point that you didn't notice it, then it must mean something... kalmahan mo lang," pagpapatuloy niya. Sandali kaming nagkatinginan bago siya umayos ng pagkakaupo.

Hindi na rin naman kami nagtagal sa pag-uusap dahil papatulugin niya raw muna ang anak. Ako naman, sinubukang sundin ang payo niya. Natulog na lang din ako dahil iyon lang ang naisipan kong pwedeng gawin.

Nagising lang ako nang maramdaman na nagva-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita na tumatawag si Xaviell.

"Hey, I'm outside," aniya.

Dali-dali akong bumangon at saka naghilamos bago siya pinagbuksan. Unlike earlier, he's no longer in his suit and slacks. Naka-white shirt na siya ngayon at sweat pants.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo pababa at hindi mapigilang mapalunok nang mapagtanto na kahit ano pa ang suot niya ay nakakatuyo ng lalamunan pa rin siyang tingnan.

"Hey," bati niya sabay yakap sa akin. "I'm sorry about our lunch. I'll make it up."

Ipinalibot ko ang mga braso sa kaniyang baywang at saka siya tiningala. "What? No!" Pag-iling ko. "We're here for work. We can set a vacation some other time."

He heaved a deep sigh because of that and looked down at me with a smile. Baka haka-haka ko lang 'to pero naramdaman ko na parang mas gumaan ang pakiramdam niya. Kanina kasi ay parang tensyonado siya.

Pinapasok ko siya sa loob ng hotel room ngunit agad ding napatigil nang may matandaan. At dahil nasa likod siya, nang tumigil ako ay biglaan din siyang natigil at nabunggo pa sa likod ko.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon