I shook my head and looked down. Hindi ko na talaga kaya. Nakakapagod na. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari at pinipilit ko na lang talaga na magpatuloy kahit ako mismo ay walang ideya.
"Please... tama na," nagmamakaawa kong sabi. Unti-unting bumuhos ang mga luha at hinayaan ko lang ang mga iyon.
I brought my hands to my face, sobbing. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa inis. Naiinis ako sa mga nangyayari.
Hindi niya na kailangang magpaliwanag dahil kung ikokonekta ko lang ang mga kilos niya at ang narinig ko kanina sa usapan nila ni Xavion, may isang explanasyon lang para rito.
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin at lumayo sa kaniya. I turned around without facing him. Pababa na sana ako nang magsalita ulit siya.
"I've been an ass—a jerk," he admitted. Nahihimigan ko ang pagod sa kaniyang boses pero pinili kong huwag pansinin iyon dahil lalo lang akong masasaktan. "I still can't remember everything but I know enough..."
Napalunok ako, pinipigilan lang ang sarili na harapin siya at yakapin siya nang pagkahigpit-higpit.
Napatabon ako ng mukha, parang tanga lang.
But he remembers! Natatandaan niya na ako!
I shook my head, then descended down the stairs. Namataan ko ang mga kaibigan na nagkukumpulan at saktong pagkababa ko ay nasa akin na ang kanilang mga mata.
Alam kong alam nila na may mali sa akin kaya mabilis naman silang nag-offer na umuwi na kami. I declined them since I know that they still want to stay.
Lumabas ako sa garden at sandaling tumambay doon hanggang sa dumating si Xavion. Aniya na ihahatid niya raw ako pauwi pero hindi pa nga ako nakakapagsagot ay hinila niya na ako papunta sa kaniyang sasakyan.
We were silent the whole ride so I had the time in processing what just happened. Gusto kong kausapin si Xavion at tanungin siya tungkol kay Xaviell pero hindi ko rin magawa.
May parte sa akin na gusto na ako mismo ang magtanong kay Xaviell pero ang isang parte naman ay nasasaktan pa rin. It's like I've been grieving and now, I have no reason to do so and it's confusing.
Nakakatakot maging mapayapa at masaya dahil baka kung anong trahedya na naman ang haharapin ko. I feel like every time Xaviell and I are in our happy bubble, there's always something that would prick it and break us apart.
Nakatulog ako dahil sa kaiiyak at nagising na namumugto ang mga mata at masakit ang ulo. Pagkatapos mag-ayos ay nakisuyo ako sa mga kaibigan na dalhan ako ng pagkain.
Nakakahiya na sa kwarto ako kakain pero mas nakakahiya na may makakita sa akin sa ganitong estado. At isa pa, nalilito pa rin ako. Hindi ako sigurado kung ano ang dapat kong gawin kung magkaharap kami ni Xaviell.
"Wala nang masyadong tao sa baba," London said, her head peeping through the small opening of the door.
I turned to her with a small smile. She sighed, then closing the door behind her.
Tinabihan ako ng kaibigan at niyakap mula sa tagiliran. Akala ko ay may sasabihin siya o 'di kaya'y bigyan ako ng mga payo at mga pampalakas loob pero tahimik niya lang akong niyakap bago ako niyaya na lumabas.
"Heartstrong, Van! Heartstrong!" Sabay kaming napaigtad dahil sa gulat ni London nang biglang may nagsalita.
Inakbayan kami ni Caramel mula sa likuran at isa-isang hinalikan ang pisngi namin ni London.
"You're so touchy, it's weird," puna ni London at pinanliitan ng mga mata ang kaibigan pero nagkibit-balikat lang ang isa.
"Nandito ka?" Tanong ko. Hindi ko alam na pupunta rin pala siya rito. Ang akala ko kasi ay pagkatapos niyang bisitahin si Sugar ay 'yon na 'yon.
BINABASA MO ANG
First Heartbreak
RomanceIt only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic "dates" and long walks on the country side, everything seemed to go smoothly until chaos and issues...