My knees gave up on me. I couldn't register what I had just seen.
His shirt was nowhere to be found, and his abdomen was full of bruises and scratches. His face has cuts, and it looks swollen. He's unrecognizable.
I was not myself the whole time. Lumipas ang buong araw na nakaupo lang ako sa labas ng emergency room. Ilang tao na ang nagtangkang kumausap sa akin pero wala talaga akong maintindihan.
I felt myself dozing off. Sinubukan kong tumayo pero may kung anong mabigat sa may hita ko at may kung ano rin sa aking balikat na hindi ko maintindihan.
"It's like pick-up sticks, you know," I heard a familiar voice say. Kung hindi ako nagkakamali, tinig ni Iouis iyon. "But the challenge here is that when you pick the wrong stick first, you might end up sleeping on the couch..."
I opened my eyes when I confirmed it was him. Kung nandito siya, ibig sabihin nandito rin ang mga kaibigan. Tipid akong napangiti.
"Looks like one of the sticks is awake," halos bulong kong sabi pero ikinagulat naman nila. Napaigtad silang lahat at napahawak pa sa kani-kanilang dibdib nang mapagtanto na ako iyon.
I looked around. In front of me were the husbands of my friends and Iouis. Nasa tabi ko si Caramel. Kaya pala pakiramdam ko kanina na mabigat ang balikat ko dahil nakasandal siya sa akin.
Nakadapa sa hita naming dalawa sina London at Galaxy. Si London ang nasa ilalim habang si Galaxy naman ay halos kalahati ng kaniyang katawan ay nakapatong kay London dahil nakayakap siya rito.
Unang lumapit si Martell, ang asawa ni Galaxy. "Have you eaten? There's a spare room where you guys can stay for the meantime."
Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. He sighed and smiled before kneeling in front of us. He gently tried to remove Galaxy's arms around London but failed. Kapit-tuko ang pagkakayakap ni Galaxy sa kaibigan kaya hindi siya mabuhat paalis ni Martell.
"Just wake her up," sabi ko pero mabilis siyang umiling.
I smiled and shook my head. Niyugyog ko ang balikat ni Galaxy at nanlaki naman ang mga mata nila.
Ngumisi ako. "Mahihirapan kayo kung hindi niyo sila gigisingin."
Galaxy started to move. Muntik pa siyang malaglag pero buti na lang nakaluhod si Martell sa harapan namin kaya nasalo niya ang asawa. Dahil sa paggalaw ni Galaxy ay mukhang nagising din si London. Mabilis namang lumapit si Orion nang makita iyon.
Saka ko na lang napagtanto na wala pala si Sugar. Pinagbawalan na siguro siyang mag-travel dahil sa kasalukuyan niyang kondisyon.
Naunang umalis sina Orion at Martell na karga-karga ang kani-kanilang mga asawa. I turned to Iouis and raised a brow. "Buhatin mo na, nahiya ka pa..."
He smirked and shook his head before taking Caramel. I returned the smile but it immediately faltered when he left. Nanikip ang dibdib ko. Bumalik na naman ang pangamba.
Tumayo ako, tutungo na sana sa kwarto kung nasaan ang mga kaibigan pero may nahagip ang mga mata ko sa may hallway. Kinusot-kusot ko ang mga mata at napagtanto na sina Xavion iyon at ang kanilang ina.
They both rushed to my side. Tita Sylvianne, their mother, embraced me tightly. She sobbed silently while I hugged her back. Dahil sa kaniyang ginawa ay hindi ko na rin napigilan ang sarili at napahikbi na rin.
"I'm so sorry po," I muttered but she shushed me. She tapped my head lightly before breaking off the hug. I turned to Xavion and saw that he was teary-eyed. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang umiwas ng tingin.
"They transferred Beaufort to the ICU," she said in between sobs. "They're monitoring him closely so let's try not to worry too much."
She gave me an assuring smile but I know that it was a forced one. Kahit siya mismo ang nagsabi na huwag mag-alala, kitang-kita iyon sa kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
First Heartbreak
RomanceIt only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic "dates" and long walks on the country side, everything seemed to go smoothly until chaos and issues...