27

820 27 7
                                    

Tinabunan ko ang mga mata dahil sa nakakabulag na ilaw at saka humarap sa kabilang gilid. This thing I'm laying at is wobbly and if it wasn't for the strong set of arms that were quick to get ahold of my waist, I'm pretty sure I would've fallen.

"Careful," paalala ng isang tinig. Napangiti ako nang mapagtanto na kay Xaviell iyon.

Pero teka... magkasama kami?

Dahil sa gulat ay mabilis akong napabangon kahit nakapikit pa ang mga mata. I let out a shriek when I felt the thing I'm lying at getting more wobbly. Next thing I know, I felt my back hit the cold tile with a loud bang coming from the glass door behind me.

"I hit my head," mangiyak-ngiyak at halos bulong kong sabi.

Mabilis na umalis si Xaviell sa hammock at pumunta sa harapan ko. Kinarga niya ako pabalik sa loob at saka binigyan ako ng cold compress habang minamasahe niya ang likod ko.

Nakadapa ako sa sofa habang nasa tabi ko naman siya pero sa sahig na siya nakapwesto. Itinagilid ko ang ulo at pinagmasdan siya habang tutok na tutok siya sa pagmamasahe ng likod ko.

Hindi niya rin napansin na nakatingin ako sa kaniya dahil mukhang may iniisip siyang kung ano na ikinangiti niya naman.

"Why are you smiling?" Kuryoso kong tanong. He flinched a bit before turning to me with his now-shy smile.

"Hmm... hindi pwedeng ngumiti?" Pilosopo niyang sagot sabay tagilid ng ulo. Sinimangutan ko siya pero patuloy lang siya sa pangiti-ngiti niya.

"Did I do something funny again that I just can't remember?"

Natigil ang kaniyang mga kamay sa paghihimas sa likod ko at napagtanto kong may katotohanan sa sinabi ko. May ginawa yata ako kanina!

"It's nothing, Valentines," he assured in a low voice while trying to stifle his smile. "Now let me massage you..."

Ngunit dahil hindi ako makapali, tumagilid ako ng higa para magkaharap kami. "What is it?"

"Okay... well... when you fell asleep earlier, I was about to leave the hammock 'cuz it was small for the two us. But then you told me to stay so that's what I did," he started with a hint of amusement in his voice.

"Should I be scared or embarrassed?" I said, interrupting him. "Sorry for this, I just want to prepare myself."

Dahil sa narinig ay napahalakhak siya. Pinatong niya ang kaniyang ulo sa may baywang ko at mukhang gusto pang itago ang tawa.

"Don't worry, it was adorable of you," pag-assure niya nang nakabawi. "Nothing to be embarrassed."

I sighed and nodded, still having suspicions. Baka nga sa kaniya ay okay lang ang kung anong ginawa ko pero baka nakakahiya naman iyon sa parte ko!

"So back to the story," he said, then continued massaging my back. "Since we couldn't fit, I had to lie on my side. But for some reason, you noticed it and told me to lie on my back instead."

"Sabi mo baka sasakit ang tagiliran ko kapag mahiga ako ng sideview. I tried to reasoned out with a half-asleep Valentines that I wanted to hug you but then you told me you'll hug me instead... end of story."

Pagkatapos niyon ay bigla siyang natahimik kaya napatingin ako sa kaniya. Mukha siyang bata na nahihiya at nang nakita na nakatingin pa rin ako sa kaniya ay bigla siyang umiwas ng tingin sabay kamot ng ulo.

"I just thought it was sweet," he whispered, then pretending like he didn't say anything and continued massaging my back.

Umalis ako sa pagkakahiga at saka umupo. Dumukwang ako palapit sa kaniya at saka niyakap ang kaniyang ulo.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon