26

761 25 5
                                    

The following days were quite the same but I'm not complaining! Xaviell and I either have lunch or dinner together and most of it includes the sudden appearance of Valerianna. I don't know what's up with her but I started getting used to her presence that she no longer surprises me.

And just like what Lavinia planned, we're now on our way to this favorite spa of hers. Kung hindi ako nagkakamali ay nakapunta na rin kami ng mga kaibigan dito noon. Pagmamay-ari yata ito ng kapatid ng asawa ni Galaxy.

We just finished our bath and scrub and now we're having a massage in front of a small, manmade waterfall. Lavinia managed to convince me to avail the spa's most expensive package 'cause according to her, it's the most luxurious and most relaxing.

Hindi na lang ako umangal at napapailing-iling na lang minsan dahil sa kanyang kagarbohan.

"So, how's it going with you and Beaufort?" Malapit na sana akong makatulog pero agad ding napaigtad nang magsalita si Lavinia.

"Well... we're okay," nakangiti kong sagot. Hindi ko rin kasi alam kung ano dapat ang isagot ko sa kaniya. At isa pa, hindi kami ganoon ka-close kaya hindi madaling makipag-kuwentuhan sa kaniya.

"You know, I never saw him as the romantic type... I mean he's sweet but I don't think he was ever in a relationship," aniya na nakakuha naman agad ng atensyon. Bigla rin akong na-curious dahil hindi naman namin napagkuwentuhan ito ni Xaviell.

"I honestly thought that he has this secret feelings for me and he was just waiting for me... 'ya know... but I guess I'm wrong," dagdag niya sabay halakhak. Nakita ko naman na napangiwi ang kaniyang masahista dahil panay ang galaw niya.

Patuloy kaming nag-usap ni Lavinia pero kung iisipin, tagakinig lang naman ako. Minsan, may kung anong kirot akong nararamdaman at parang ang sarap niyang bigwasan.

But then, I remembered that I have no right to be jealous. Xaviell and I... we're friends... we're not "official" so the jealousy part should stop.

"Cheers, Valentina," Lavinia said, then raising her fruit-infused water with mine. Hindi ako makapili kanina ng inumin namin pero nang binanggit niya na 'yong palaging iniinom ni Xaviell, 'yon na lang iyong in-order ko.

Kasalukuyan kaming nagpapa-pedicure habang kumakain. Nakakakalma ang buong spa at nakatulong pa na umuulan kaya mas naging relaxing ang ambiance.

Sa gitna ng pagkukuwento ni Lavinia, biglang nag-ring ang kaniyang phone. Pagkatapos sagutin iyon ay nakasimangot niya akong hinarap.

"Valentina, I'm sorry but I have to go," she said with a frown. "Emergency..."

Tinanguan ko siya sabay tango. Paalis na sana siya nang bigla kong natandaan na wala pala akong dalang sasakyan dahil sumabay lang ako sa kaniya.

Mukhang natandaan niya rin iyon dahil bumalik siya sa tabi ko. "I almost forgot... is it okay if I call Beaufort to fetch you?"

Excited akong tumango at mukhang napansin niya iyon dahil may multo ng ngisi sa kaniyang labi.

"Hey, Hon!" Bati niya sa kabilang linya. Parang tinusok na naman ang dibdib ko dahil sa narinig. Agad ko namang pinaalalahan ang sarili na huwag dapat akong magselos dahil kung ganoon, ako ang talo.

At isa pa, siya naman ang nag-offer na tawagan si Xaviell. Kung may gusto siya sa kaniya, edi diba dapat pinapalayo niya kami? At ano naman ngayon kung may gusto siya kay Xaviell?

Nasapo ko na lang ang mukha dahil sa mga naiisip. Pagkatapos ng tawag ay umalis na rin si Lavinia.

At dahil wala na akong kausap, mabilis akong nakatulog habang nagpapa-pedicure. Sa dinami-rami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw, ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kapagod.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon