“JOHN . . .” INANGAT KO ang ulo ko kasabay ng mahinang pagsabunot sa maiikling tikas at medyo basang buhok ng lalaki sa harap ko. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya habang unti-unti siyang pumangingibabaw sa akin. Mahina ang mga daing niya na mas lalong nagpapainit sa katawan ko. Dama ko ang gaspang ng palad niya nang marahas niyang damputin ang mga kamay ko’t iangat iyon.
“Victoria,” tawag niya rin sa akin, ngayon ay rinig na ang makamundong pagnanasa sa tono niya. “Turn around.”
My body was getting weak so I couldn’t follow immediately. When he got impatient because of my statuesqueness, he turned me around himself. He wrapped one of his hands around my chest and the other violently pushed the small of my back. I almost lost my balance due to his roughness, so I held onto a big rock to support my weight.
I could feel his thing behind me. Kasabay ng malakas niyang daing ang ungol ko nang tuluyan na siyang makapasok sa akin.
“Victoria!”
Sa pagbanggit niya sa pangalan ko ay siya ring paglabo at pagdilim ng paligid ng mga mata ko. Umikot ang paningin ko kasabay ng pagbalik ng mga alaala ko bago kaming dalawa napunta sa ganitong sitwasyon.
Tunog ng rumaragasang tubig, ihip ng mabining hangin, mumunting tunog na nanggagaling sa mga kulisap, maingay na tunog galing sa pumasadang motorsiklo . . . Sapo ko ang noo ko habang dinudungaw ang ilog sa ilalim ng kinatatayuan ko. Humawak ang kaliwang kamay ko sa sementadong barandilya nang makaramdam ako ng pagkahilo.
“Shit,” mura ko nang bumaliktad ang sikmura ko. Tinakbo ko ang distansya mula sa isang basurahan at doon dumuwal. Umikot ang paningin ko at sumabay pa ang pagpintig ng ugat sa ulo ko. “I swear to God, I will never drink again!”
Nang matapos dumuwal ay sinapo kong muli ang noo ko at umupo sa isang gilid. Dinama ko ang dila ko dahil naroon pa rin ang lasa ng mapait na alak. Tumama ang likod ko sa barandilya, ngunit sa sobrang sakit ng ulo ko ay namanhid na ang ibang parte sa katawan ko.
Napapikit ako nang mariin nang magtama ang mga mata namin ng isang matandang babaeng naglalakad. I swear, I could see judgement in her eyes na para bang alam niya ang lahat sa buhay ko, maging ang kung ano’ng nangyari kanina kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon. I couldn’t blame her, though.
Nang humupa ang pagkahilo at sakit ng ulo ay muli akong tumayo. Madilim na ang kapaligiran; ilaw na lamang mula sa street lights at mga kotseng dumaraan ang nagsisilbing liwanag. Nakakapangilabot din ang pakiramdam na dala ng tulay na halatang pinabayaan na ng gobyerno dahil medyo nasa dulo na ito ng bayan; tila naghihintay na lang na gumuho ito at may maaksidente bago pagtuunan ng pansin. Bihira na rin ang mga taong naglalakad dahil huling tingin ko sa orasan ay pasado alas-dose na ng gabi.
Bumalik ang diwa ko at tumitig muli sa ibaba—sa ilog. My heart beat faster as many terrifying thoughts flooded my mind.
What if I jump here? Will I . . . die?
I smirked at my thoughts. Siyempre, malamang, hindi! Hindi naman kalaliman ang tubig ng ilog at tiyak namang hindi kataasan ang tulay na ito para pumatay ng tao. Kung tatalon ako mula rito, parang maliligo lang ako sa isang swimming pool.
Pero . . . paano ko nalamang hindi nga talaga ako mamamatay kapag tumalon ako?
Life was full of uncertainties. I could never be certain unless I tried . . .
Siguro dahil sa natitirang alak sa sistema ko, kasabay na ang mga iniisip ko nitong nakaraang araw, kaya nagawa kong iangat ang sarili ko at umupo sa barandilya. Gumuhit ang ngisi sa labi ko nang umihip sa akin ang hangin na tila ba pinababalik ako sa kinatatayuan ko kanina—na para bang pinipigilan ako sa kung ano mang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
By the Riverside
General FictionFelicia Victoria was a complete wreck after rejecting her three-year boyfriend's marriage proposal. Emotionally distraught and almost suicidal, could her already chaotic life become any more chaotic - especially when she unexpectedly had a one-night...