02: Life Fucks You the Hardest

306 25 67
                                    

MALAKAS ANG TUNOG ng musikang nanggagaling sa cellphone ko na dinagdagan pa ng ingay ng tubig na nagmumula sa shower. Habang patuloy na bumubuhos ang tubig sa akin at binabasa ang buong katawan ko, nakatulala lang ako’t hindi maiwasang balikan ang nangyari halos kanina lang.

Did I really do that? Kasama ang . . . kasama ang hindi ko kilalang tao?

Sinabunutan ko ang sarili at mariing kinagat ang labi. Nahihibang na nga siguro ako at hinayaan ko ang sarili kong gawin ang isang bagay na alam kong mali. Ni hindi ko nga lubusang masisi sa alak ang lahat ng nangyari dahil alam kong nasa maayos pa rin naman akong lagay habang nag-uusap kami kagabi—kahit papaano.

The faint sunlight of that same morning was very evident in my memories. I could still feel his harsh touches, his wet kisses, the roughness of his jaw as he showered me kisses in between my thighs, and his hot breath on my neck as we both slept through all of our sins.

Wait . . . what was his name again? John?

My mind was in a haze, pero tanda ko ang lahat ng kahibangan namin. Tanda ko kung papaano ko ipinakita sa isang estranghero ang kahinaan ko—na kahit kanino’y hindi ko kailanman ninais na ipakita.

I swear to all the gods, I will never drink again!

Get that into your head, Felicia Victoria.

Tahimik ko lang na nilinisan at ginusgos ang buo kong katawan. Pilit kong tinatanggal ang amoy ng alak at after sex sa balat ko na dulot ng pakikipag-usap ko sa estranghero na iyon. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit kahit dapat na mandiri ako sa sarili, hindi ko mahanap ang emosyon na iyon sa mga oras na ito. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na ginusto ko rin naman ang mga nangyari?

Come on . . . I would be lying if I say that I was not attracted to that man. I was, alright? Kaya nga ganoon ko na lang kabilis na sinunggaban at nagpadala sa init ng katawan.

Ginusto ko. Bakit ko kadidirihan?

But I chickened out—like the coward that I was. Nang mahimasmasan ako pakagising ay mabilis na akong umalis sa tabing-ilog at naghanap ng masasakyan. It took me a while to find my clothes since we stripped naked outside. Buti na lang at may tent siyang dala roon kaya’t doon kami pansamantalang natulog. Looking back, I didn’t really understood why he was camping there alone. I scratched my head as I tried to remember what was the last thing he said to me after we had sex.

Paulit-ulit kong hinilamos ang mukha ko at inuntog pa ang ulo sa pader.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.

Lahat ng paninisi ko sa sarili ay naputol nang mapalitan ang musika sa cellphone ko ng ringtone galing sa taong pinakaayoko munang harapin. Kaya naman hindi ko iyon pinansin hanggang sa matapos na ako sa pagligo.

Lumabas ako sa banyo at sinalubong ng amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Naibsan niyon ang kaunting pananakit ng ulo ko dulot ng pagkalasing kagabi. Siguro ay nagluluto na si Mama para sa almusal namin. Dumiretso naman ako sa kuwarto at doon nag-ayos at nagbihis. Patuloy pa rin sa pagtunog ang cellphone ko habang iniignora ko lang iyon.

“Good morning, Ma.”

Humalik ako sa pisngi ni Mama habang nagluluto siya. Binati niya rin ako pabalik at maigi kong iniwasang magkatinginan kami sa mga mata.

“Good morning din, Fel. Gisingin mo na ang mga kapatid mo’t baka ma-late na naman sila sa klase nila.”

Tumango lang ako at wala nang ibang sinabi. Tulala kong ginising ang mga kapatid ko. For some reason, I kind of felt guilty. And as I recalled what happened last night, realization hit me hard.

By the RiversideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon