I ALWAYS THOUGHT walking away from broken relationships would be easier for those who chose to leave, but that thought was only a lie. Because if leaving was any easier, I would’ve just gone on with my life like usual.
But I couldn’t immediately do it.
Cutting Tanya off of my life hurt me more in a way that I could never have expected. Dalawang linggo man ang lumipas, hindi pa rin bumabalik ang dating sigla sa katawan ko. Dinadalaw pa rin ako ng pagsisisi at guilt. Siguro dahil naroroon iyong mga kaisipan na baka ay mayroon pa namang mas mabuting option kaysa doon sa napili ko. Pero kahit anong kutkot ko sa utak ko ay wala akong ibang maisip na paraan.
Dahil si Tanya na mismo ang nagdesisyon.
I just heard about her successful marriage from Chrome, but other than that, I didn’t even bother knowing. Naging busy na rin naman kasi ako sa ibang bagay tulad ng trabaho at pagsama kay John na kumausap sa lawyer para sa isasampang kaso kay Alex. We were able to file a restraining order against him, so I knew that my family could rest easy. For now.
I wouldn’t even have chosen to push through with the case had Tanya chosen to leave him, but she didn’t, so we had to do what we had to do. Kung hindi kasi namin gagawin iyon, alam kong patuloy pa ring magkakaroon ng lakas ng loob ang lalaking iyon para guluhin kami. And I think everything fell into their right places.
Naging busy na rin naman ako dahil ilang beses din ako sa loob ng isang linggo naaya ni Tita Daphne na bumisita ulit sa mansion nila. Dahil doon ay na-distract din ang utak ko sa ibang bagay at nakahinga ako nang maluwag-luwag. Nga lang, sa bawat pagpunta ko sa mansion ng mga De Silva ay halos palagi ko ring nakikita si Danielle, ang ex ni John.
I knew why she was there, of course. Nakuwento sa akin noon ni John na anak siya ng mayordoma ng mansion. But I never really imagined that she still stayed a servant in that house given the history between her and my boyfriend. I guess nasa lahi ng mga De Silva na hindi magsisante ng mga empleyado dahil sa mga personal na isyu.
Wala naman din akong issue tungkol doon. Kampante na rin naman ako na naka-move on na nga sa kanya si John. Pero isang hapon, nang bigla akong iwan ni Tita Daphne sa island counter ng kitchen para sagutin ang isang urgent na tawag, lumapit sa akin si Danielle at naglahad ng isang baso ng tubig. Tiningnan ko siya diretso sa mga mata at binigyan niya naman ako ng isang malaking ngiti.
“Hi,” bati niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Suot niya ang puti at itim na uniporme ng mga kasambahay. Hindi tulad sa maraming pagkakataon ko siyang nakita ay hindi na nakapusod ang mahaba at tila-alon niyang buhok. Mas lalo ring nadepina ng kakaunting ilaw na nanggagaling sa bintana ng kusina ang kulay ng kutis niya. Tumikhim ako nang matapos siyang suriin bago ibinalik ang ngiting natanggap. Hinintay ko siyang magpatuloy sa pagsasalita dahil hindi ko alam ang isasagot sa pagbati niya.
“Girlfriend ka ni, uh, Sir John?” tanong niya na nagpataas sa kilay ko. Tumikhim siya nang lumipas ang tatlong segundo ay hindi ako sumasagot. “By the way, I’m Danielle.” Inilahad niya ang kamay sa akin.
Nagbaba ang tingin ko roon at nagdadalawang-isip kung tatanggapin ba ang pakikipagkamay niya. I sighed before shaking her hand. I didn’t want to be rude. “I know.”
“Huh . . .” Nagtagal ang pagkakahawak niya sa kamay ko na parang biglaang napaisip sa sagot ko. Kung hindi ko pa hinugot pabalik ang palad ko ay mas mapapatagal pa panigurado ang pagkakatulala niya.
BINABASA MO ANG
By the Riverside
General FictionFelicia Victoria was a complete wreck after rejecting her three-year boyfriend's marriage proposal. Emotionally distraught and almost suicidal, could her already chaotic life become any more chaotic - especially when she unexpectedly had a one-night...