09: Where the Chord Cleaves

188 19 70
                                    

THE LIGHT OF the morning sun illuminated the most beautiful piece of art God has probably created: Johandrille De Silva.

Alam ko naman nang halos perpekto ang pagkakaukit sa maamo niyang mukha. Alam ko kung gaano kakapal ang kilay niya, kung gaano kahaba ang pilikmata niya, kung gaano kaganda ang hubog ng ilong niya, kung gaano kapula ang mga labi niya, at kung gaano nakahuhumaling ang hugis ng panga niya. Alam ko na ang mga iyan noon pa man. Pero ngayong halos dalawang pulgada lamang ang layo namin, at kasabay ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng condo niya, mas nalaman ko kung gaano kalala ang epekto niya sa puso ko.

Maingat kong itinaas ang braso kong nakabalot sa dibdib niya. Bahagya kong naramdaman ang maliliit na balahibong nakalatag doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaunting kiliting dulot niyon. Walang imik akong tumayo at umalis sa kama para tingnan ang katayuan ko sa may malaking salamin.

Suot ko ang isang malaking T-shirt na pinahiram sa akin ni John kagabi. Walang nangyari sa aming dalawa. Pagkatapos kasi ng seryosong usapan namin kagabi ay bigla na lang kaming natawa na parang mga tanga. Siguro dala na rin ng alak na naubos kaagad namin sa loob ng tatlumpung minuto. Kaya naghabulan kami sa tabing-ilog na parang mga bata, at ako naman si tanga ay natisod ng isang bato at nahulog sa ilog. At si John naman na mas tanga pa ay tumalon at dinamayan ako.

Sa huli ay dinala niya ako rito sa condo niya para magpatuyo. Nag-suggest naman siyang ihatid ako pauwi sa bahay namin, pero nagpumilit ako na rito na lang. Buti na nga lang dahil mas kaunti ang nainom niya kaysa sa akin kaya’t nakapag-drive pa naman siya nang maayos. Hindi ko nga lang alam kung bakit napakalakas ng loob kong ayain siya papunta rito. Hindi na rin naman ako magdadahilan pa’t sasabihin na lang na ginusto ko talaga ito.

Sinampal na naman ako ng kahirapan nang igala ko ang tingin sa buong kuwarto. Ang disenyo ng condo niya ay sapat na para malaman ng kahit sino na kahit sampung taon man silang magtrabaho nang walang tulog, hindi pa rin nila mabibili ito. The combination of black, deep green, grey, nude, and white made the whole place elegant and virile. His bedroom alone had accent walls and his floor was covered in grey carpet. The furniture was made of carved wood and there was an all-glass wall leading to the balcony. I went there last night, but only for a moment. Hindi ko tuloy napagmasdan ang nagtataasang gusali at ang magandang view na ino-offer nito.

Para maiwasang mainggit sa karangyaan ng pamumuhay niya ay nag-iwas na lang ako ng tingin at lumabas sa kuwarto. Ganoon din naman ang disenyo at kulay sa labas, minus lang ang accent wall at carpet. Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng maluluto.

It was already six in the morning. Alas-ocho ang pasok ko sa trabaho. Hindi ko alam kung papasok nga ba ako o hindi na dahil wala rin naman akong pampalit. Kung uuwi pa naman ako sa bahay ay aabutin pa nang isang oras na biyahe mula rito papunta roon, at kalahating oras mula sa bahay papunta sa kumpanya. Mas mahaba pa depende sa daloy ng traffic papunta sa istasyon ng tren.

In other words, male-late ako.

Sa ref ni John ay nakakita ako ng samot-saring mga pagkain na maaaring lutuin. Sa may cupboard din ay may nakita akong mga container ng sa tingin ko ay iba’t ibang spices. Doon ko napagtanto na talaga ngang mahilig talaga siyang magluto. Napaisip pa ako nang ilang minuto kung papakialaman ko ba at magluluto ako, o hintayin ko na lang siyang magising para matikman ko ang luto niya. Pero sa huli ay kumuha na lang ako ng itlog at nagpasyang lutuin iyon. Nakakahiya naman kasi na nakitulog na nga ako rito, maghihintay pa akong ipagluto ni John.

Hindi naman na bago sa akin ang mga kagamitan sa kusina niya. Halos lahat kasi ay high technology na. Ganoon din naman kasi ang nasa bahay ni Alex at pinagluluto ko rin siya noon kadalasan. Hindi rin naman ako magaling magluto tulad sa mga natitikman ko sa restaurant ni John, pero marami naman akong alam na basics. May nakita pa akong leftover rice sa may rice cooker kaya nakapag-isip na ako ng lulutuin. Tingin ko ay magugustuhan niya naman itong simpleng scrambled egg at fried rice.

By the RiversideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon