17: Guilt, Passion, and Birse

122 16 57
                                    

PULA ANG LIKIDONG dumanak sa palapulsuhan mo matapos na lumandas dito ang metal na patalim na pumuslit sa iyong palad. Ang pagtama niyon sa sementadong sahig ay gumawa ng pag-iyak na mas malakas pa kaysa sa lumalabas na hikbi sa iyong mga labi.

“Ang sakit . . . Papa, ang sakit,” hagulhol mo habang pinipigilan ang patuloy na pag-agos ng dugo sa iyong braso.

You wanted to cry louder. Beg for help. Make everyone in that house know how much you were suffering. Ngunit sa gitna ng mahihinang pagtawag ng saklolo ay siyang pagtikom ng iyong mga labi nang sobrang higpit—na tila inaako ang bunga ng iyong makasariling desisyon, halos tatlong minuto pa lamang ang nakakalipas, na lisanin na rin ang mundo; tulad sa naging paglisan ng iyong pinakamamahal na ama.

Nanginginig. Nanlulumo. Nagsisisi. As you cleaned up the flesh in your left wrist that was bleeding uncontrollably, tears were surging to fall in your cheeks. You desperately sought a cloth that would hide your vulnerability. Sighed time after time while staring at your reflection in the mirror. Then after pushing all the pain inside you and caging them never to go out ever again, you forced a bitter smile and went out of your room.

Pero sa pagyapak mo pa lamang sa labas ay agad kang binalikan ng lungkot na pilit mong ibinabaon sa hukay.

Your father, the first man to ever teach you how to live in this cruel world, was also the first to teach you how to run away from it.

“Ate,” salubong na bati sa iyo ng nakababata mong kapatid na si Alicia. Mugto ang mga mata niyon nang ituro ang maikling pasilyo papunta sa munting salas ng inyong tahanan. Malumanay mo siyang tinapik sa ulo.

“Ba’t ka umiiyak, Ali?”

“S-si Miya, Ate, hindi natitigil sa pag-iyak. Sumabay pa si Tricia. Hindi namin sila mapatahan nina Tony at Kiyo.”

“Si Mama?”

“Nakabantay sa kabaong ni Papa.”

Tiningnan mo ang nakababatang kapatid nang ilang segundo bago iyon tinalikuran upang pigilin ang sarili mo sa pag-iyak. Suddenly, the cut on your wrist wasn’t the only stabbing pain in your body—your head throbbed and chest tightened, then your family’s situation weighed on your shoulder, prompting you to break down. Ngunit sa iyong maliliit na paang nakatapak sa lupa, nagawa pa nitong tumindig at harapin muli ang iyong kapatid. Ipininta mo ang isang malumanay na ngiti sa iyong mga labi. “Samahan mo muna si Mama. Ako na ang bahala kina Miya.”

Pinanood mong tumango ang iyong kapatid na sunod ay tumakbo papunta sa inyong mga magulang. Mabigat ang dibdib mong pinuntahan ang iyong iba pang nakababatang kapatid suot ang maskarang niyong araw mo lang din sinimulang suotin.

▪ ▪ ▪

JOHN’S WORRIED FACE was the first thing I saw when I opened my eyes. Magulo ang buhok niya at mababahiran ng pagkabahala ang maamong mukha. Nakapatong ang braso niya sa dibdib ko, bahagyang nakayakap habang pareho kaming binabalot ng init galing sa kumot.

“You were panting,” malumanay niyang bulong. “Are you okay?”

Agad akong umiling at pagod na ngumiti nang mahimasmasan. Inabot ko ang magkabila niyang pisngi at marahan iyong hinaplos. Dumaplis ang tingin ko sa braso kong mayroon pa ring peklat ng madilim kong nakaraan—tulad sa panaginip ko—kaya’t nanghina muli ang katawan ko.

“I’m fine,” wika ko. “Masama lang ˋyung naging panaginip ko.”

I’ve been having the same nightmares for five consecutive days now since I talked to John’s father. Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit bumabalik din sa akin ang masasakit na alaala mula noong mamatay si Papa at iwan kami. Matagal naman na iyong nangyari at nakaraos na rin kami. Pero dahil sa patuloy na pagbalik sa akin ng mga memoryang iyon, parang bumabalik din sa akin iyong sakit na dulot ng mawalan ng taong minamahal . . .

By the RiversideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon