11: Rush of Uncanny Waves

165 20 68
                                    

“I HAVE A question,” John said in the middle of our kisses.

My mind was fuzzy from all the emotions that I felt, but more on the kisses he was giving me. Instead of asking him about his question, I pulled his nape and kissed him deeper.

“Victoria . . .” He chuckled.

“Hm?”

“Question.”

Lumayo ako sa kanya para matingnan siya sa mga mata. Nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko na wala nang saplot—dala ng mga pinaggagawa namin kanina—doon lang ako nakaramdam ng hiya. Kaya inayos ko ang bra at butones ng blouse ko na nakababa at umalis sa pagkakakandong sa kanya.

“What is it?” wala sa sarili kong tanong. Tinulungan niya naman akong ayusin ang sarili ko at sinuklay niya pa gamit ang mga daliri ang magulo kong buhok.

“I know I shouldn’t be asking this right now, but . . .”

Tinitigan ko siya at naghintay pa ng idurugtong. His eyes were telling me something I couldn’t understand. And then he looked away and sighed. Mukhang nagdadalawang-isip siya kung isasatinig pa ba ang tanong o hindi na.

“John?”

Napatingin siya sa akin at umiling. “Never mind.”

Nagtaas ako ng kilay at napaawang ang mga labi. That was weird. He was the type of person who would say whatever it is that was on his mind. Sa kaunting panahong nakilala ko siya, alam kong hindi siya iyong tipo na mambibitin o magpapa-suspense. What was on his mind to be skeptical like this?

“You stopped me from kissing you just to leave me hanging like this?” Humalukipkip ako at pinigilan ang sariling magmaktol.

Medyo nagsisi pa nga ako sa sinabi ko. Mabilis kasing gumuhit ang ngisi sa mga labi niya, at wala pa man siyang sinasabi ay alam ko nang aasarin niya na naman ako.

“Are you sure we’re still only getting to know each other at this point?” he said slowly. “Answer me, Victoria. Ano ba talaga ako sa ˋyo? Ano na ba talaga tayo?”

He asked those questions with a hint of amusement in his tone so I decided to play along with his antics. “Friends.”

Tumawa siya. “Friends? Ganito ba ang mga magkakaibigan? Naglalaplapan sa kotse at halos hubo’t hubad—”

I cut him off. “Oh, shut up.”

He cackled as I looked away because of embarrassment. Nakakainis talaga! Bakit nga ba ako nakisabay pa sa trip niya? Alam ko namang ako lang din ang talo sa huli. Kasalanan talaga ito ng nakakalasing niyang mga halik kaya nagiging madaldal na ako.

Him and his effects on my system.

“Let’s stop here before we do something you would later regret,” ani John at pinaandar na ang sasakyan niya. “I’ll drive you home.”

He took my hand and intertwined our fingers. He started maneuvering the car with his left hand and his eyes fixated on the road. Sumusulyap siya sa akin paminsan-minsan, pero pinipisil ko ang mga daliri niya para sabihing sa pagmamaneho lang siya magpokus ng atensyon. Mamaya, madisgrasya pa kami, e.

“Can I sleep in your condo tonight?” tanong ko sa halos hindi na marinig na boses.

Lumingon na naman siya sa akin pero mabilisan lang. “Of course, Victoria. Kahit do’n ka na nga tumira,” biro niya kaya kinurot ko. “Pero ˋwag mong kakalimutang magpaalam kay Tita.”

Ngumuso ako. Noon kasing nakaraang natulog ako sa bahay ni John dahil basa kami pareho ay nalimutan kong i-text si Mama. Hapon ko na lang din naalala nang sumunod na araw na tawagan siya at nasa kalagitnaan pa ako ng trabaho. Isang oras na sermon pa nga ang inabot ko nang makauwi. Kinailangan ko ring magpaliwanag kung saan ako natulog, at ayoko nang maulit pa iyon.

By the RiversideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon