THAT WAS THE very last time I saw John—at least in two-months worth of time.
Bukod sa baka pumalya na naman ang pagpasok ko sa kumpanya ni Mr. Callagas, medyo kinabahan din ako na baka kapag na-hire nga ako, mapapadalas ang pagkikita namin ng pamangkin niya. But, oh dear, I was really out of my mind to even think of that. Masyado akong assuming at delusional.
I think he really took our conversation seriously that night. He avoided me. Although hindi ko naman sinabi sa kanyang iwasan ako, ganoon talaga ang nangyayari ngayon. Or maybe, it was just his broken ego acting since I rejected him straight on. Because every time I felt like he was just around, it would turn out he wasn’t. I didn’t know if I was just imagining things or if he was really just keen on distancing himself whenever he felt like I was also around.
Hindi ko alam, baka nag-a-assume na naman ako ng kung ano.
But none of that mattered now since I’ve finally found a fair-paying job and a healthy work environment. Dahil nakita ako ni Mr. Callagas noong araw ng interview ko, mabilis na akong natanggap sa kumpanya. He owned the company so he just had to pull some strings and I was in. Hindi rin naman ako komportable na gamitin na naman ang hindi katanggi-tangging interes niya sa akin, pero masyado na akong desperado para isipin pa ang ganoong kaliit na bagay.
Besides, his interest wasn’t something as obsessive and controlling as what Alexandre Uy had for me. The past two months of me working for his company weren’t that hellish. In fact, those were the most peaceful days of my life since I graduated.
“Purgadong-purgado na ˋko sa Jollibee, KFC, at McDo, Ate,” reklamo ng kapatid kong si Kiyo.
Pinasadahan ko siya ng tingin nang patigilin ko ang kotseng minamaneho dahil sa red light. Pati ang ibang kapatid ko ay nagpahiwatig din ng pag-apruba sa sinabi niya. “Sa’n n’yo pala gustong mananghalian? Kayo ang mag-decide.” Wala na rin naman kasi akong ni isang ideya kung ano ang trip ngayon ng mga kabataan.
“Ako kahit saan kumain basta Instagrammable,” sagot naman ng bunso kong kapatid na si Miya.
“Magtigil ka nga sa Instagrammable mong kaek-ekan, Miya. Magsasayang ka lang ng pera sa pagkain na mas masarap pa ˋyung sunog kong luto,” wika naman ni Tricia.
“Ate Trish, alam mo kasi na ang pictures ang dapat nating priority kapag ganitong bihira lang tayong lahat lumabas. Ano na lang ang ilu-look back natin sa susunod na taon kung sa pangit na lugar din tayo kakain?”
“Kung paglu-look back lang din naman pala ang issue, edi hindi ba mas mabuti kung ˋyung lasa ng pagkain ang maaalala natin hindi ˋyung lugar lang? Asa’n ang sentimental moment do’n?”
Napailing na lang ako nang magsimula na ang dalawag babae kong kapatid na mag-away. Napapabuntonghininga na lang ako dahil imbes na suwayin sila ni Mama, tinatawanan niya pa ang mga kapatid ko. Kung hindi pa sila sinuway ni Alicia at Antonio ay mas iingay pa lalo ang buong kotse.
“Tigil na kayo sa pagtatalo,” sabi ko nang matapos silang pagsabihan ni Alicia. “Kung Instagrammable at masarap na pagkain naman pala ang hanap n’yo, may alam akong bagong bukas na resto sa malapit.”
“Talaga, ˋTe?!” excited na tanong ni Miya.
Pilit akong napangiti nang tinanguan ang kapatid. I know I’ve said before that I would want to take them to that place, but I didn’t plan it to be so soon. Paano, kapag iniisip ko ang lugar kung saan kami unang nag-date ni John, hindi ko maiwasang ma-guilty at magsisi sa parehong pagkakataon. Whenever I was reminded about his mischievous smiles while he was driving and talking to me, and then when all of his enthusiasm faded when I said I’d preferred if we stayed strangers, I couldn’t help but smile bitterly.
BINABASA MO ANG
By the Riverside
General FictionFelicia Victoria was a complete wreck after rejecting her three-year boyfriend's marriage proposal. Emotionally distraught and almost suicidal, could her already chaotic life become any more chaotic - especially when she unexpectedly had a one-night...