Chapter 10
LUMIPAS ang dalawang linggo na hindi ko nakakausap si Haven. Literally. Dahil nag file siya ng leave for 2 weeks dahil sa personal na dahilan.
Kinabukasan nang mangyari ang sagutan sa unit niya ay hindi na siya pumasok at may nagbigay na lang ng letter for approval for him to have a 2 weeks day off. May pumalit naman sa pwesto niya na intern at maganda naman ang trabaho pero hindi ako sanay sa paraan ng pagtra trabaho niya.
Si Haven kasi ay palagi niya akong tinatawagan isang araw bago ang meeting namin para ipaalala sakin kung anong agenda ng meeting at kung sino ang imimeeting. While Siarra is only reminding me 10 minutes before the meeting.
Gaya na lang ngayon. Natigil ako sa pag iisip nang may kumatok sa pinto ng opisina ko.
"Ma'am you're meeting will start in 10 minutes." Sabi nito.
"Okay. Wait for me outside." I told her.
Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang mga papeles na kakailanganin ko. I know this meeting will be exhausting because I've already disapproved this plan but they are trying to launch it because it is a good product to sell.
I disapproved of it because the safety of the buyers will be at risk and I don't want any trouble while I am leading this company.
Nang malapit na ako sa conference room ay rinig na rinig ko ang ingay mula sa labas ngunit nang pumasok ako sa loob ay parang ang tunog na lang ng aircon ang maririnig at ang paglilipat ng pahina ng mga papel.
"Please start the meeting." I said coldly when I was already in my seat.
Nagsimula ang meeting at hanggang matapos ang meeting ay halos hindi ako makinig dahil inulit lang naman ang ginawa nila last meeting. They emphasize the pros but they didn't even tell the cons which they barely see because they want to make more money.
"I won't sign an approval for this." I sternly said.
"Ms. Quenelle! This will make us a big money!" Pasigaw na sambit ni Mr. Desmond.
"No. Do you know the cons of this product?" Diretsong tanong ko rito at natahimik naman ito. "See you don't even know." I pointed out.
Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa harapan. Inayos ko ang naka present sa harap at ibinalik sa picture kung saan pinapakita ang model design.
"It looks promising, right? But you were so blinded by the pros that you didn't even ask for the cons." And I explained to them the cons, why I m not approving this proposal.
Nauna na akong lumabas ng conference room at nang makalabas ako ay napabuntong hininga na lamang ako dahil pinaka ayaw ko talaga ay ang pakikipagtalo sa kanila lalo na sa taong iba ang perspektibo sa akin.
Wala sa sariling naglalakad ako pabalik ng opisina ko habang ang secretary ko ay may sinasabi sakin ngunit wala akong maintindihan. I tend to space out these days and I somehow don't like it.
Dire diretsong umupo ako sa swivel chair ko at ipinikit ang mata without minding my surroundings.
"Is the meeting so stressful?" Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses na iyon.
Nilingon ko ang pinanggalingn ng boses na iyon at napaawang ang labi ko nang makita ko siya. He is wearing wayfarer sunglasses that he partnered with his push-back hairstyle. He even looks way more handsome with his white shirt and cream-colored suit with white sneakers.
"You're here." Usal ko nang masiguradong siya nga iyon.
"Yeah. I went here as soon as the plane landed." Casual na wika nito.
BINABASA MO ANG
Deceived Supremacy
Action"A wolf in a sheep's clothing," I called myself like that but they never found out because they were all deceived by my angelic features. People are easily deceived by my face and my action but they won't ever see the hidden wolf in me except for on...