CHAPTER 19

12 8 0
                                    

Chapter 19

ILANG araw na ang nakalipas at ang opisina kong dating puro trabaho lang ang nangyayari ay nag iba na ngayon. Araw araw ay painit ng painit ang nangyayari sa loob ng opisina ko. Kada bibisita sa loob ng opisina ko si Haven ay may mangyayaring hindi namin palaging inaasahan.


Napatigil ako sa pagpirma ng mga dokumentong nasa harap ko nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Automatic na ibinaba ko ang ballpen ko nang makapasok siya sa loob ng opisina ko.


"Lunch?" Tanong niya sakin.


"I'll finish this first then we'll eat the lunch that you prepared." Sabi ko sa kanya at bumalik sa pagpirma ng papeles.


Siya naman ay walang sabi sabing prinepare ang lunch na niluto niya. Iyan din ang isa sa pinagbago ng araw ko dahil kung dati ay ibinibigay niya lang sakin ang lunch na ginagawa niya pero ngayon ay sabay na kaming kumakain. Pero minsan naman ay pinauuna ko na siya lalo na pag marami talaga akong kailangan munang tapusing papeles.


Naramdaman ko nag paglapit niya sakin at pagpatong ng baba niya sa balikat.


"Still not finished?" Tanong niya sakin.


"Just one more page to read then I will sign it," I explained to him without leaving my eyes on the paper and still reading it.


Hindi na din namna siya nagsalita athinayaan na akong magbasa ng tahimik at payapa pero nakapatong pa rin ang ulo niya sabalikat ko. Pero hindi iyon dahilan para ma distract ako mula sa pagbabasa.


"Done!" I exclaimed when I'm done signing it.


"Let's eat." Wika ni Haven pero hindi naman siya humiwalay sakin.


Sa pag aakala kong hihiwalay siya sakin kapag tumayo ako ay hindi nangyari dahil habang naglalakad ako ay nakayakap pa siya sakin habang ang ulo niya ay nakapatong pa rin sa balikat ko.


Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa ginagawa niya pero parang mas kinikilig ako eh. This is the first time that I've been intimate with someone.


"Let go." Wika ko nang makaupo kami pareho sa couch.


"I don't want to." Naptingin ako sa kanya dahil nagboses bata siya.


Si Haven ba talaga to? Nakakapanibago pa rin talaga kapag nagkaka ganito siya sakin eh. Sometimes he's just being clingy but sometimes he's being a maniac, always seeking for a kiss from me. We made out so many times but didn't into 'that' point.


The office is not a decent place to have the 'sex' you know?


 "I will eat Haven. I can't eat when you're still clinging to me like that."Saway ko sa kanya.


"I'm just recharging." Bulong nito.


Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya doon. Hindi naman ganoon kadami ang trabahong ibinibigay ko sa kanya at wala rin naman siyang mission sa agency kaya nakakapagtaka lang na gusto niyang mag recharge 'daw'.

Deceived SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon