WARNING: R-18 SCENES AHEAD. BE RESPONSIBLE ON READING.
Chapter 20
NANLALAMIG ang kamay ko nang makarating kami ni Haven sa city hall. Ikakasal na ako, wala ng atrasan to. Nag text na din sakin sila Rylang kanina na nandto na sila at kasama na nila si Daddy.
"Hey, we can do this later if you're not ready." Mukhang napansin din ni Haven na kinakabahan ako.
"Nah. We'll do this today..." Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Then we will continue what we're doing earlier." Napangisi ako nang makita ko ang pamumula ng tainga niya.
Hinila ko na siya papasok ng city hall at sumalubong naman samin sila Ryland at si Attorney Valdez. Nagpasama na ako kay Attorney dahil magbibihis pa ako at mag aayos ng kaunti habang si Haven naman ay kasama sila Daddy at Ryland.
"Cayra, matanong ko lang. Baliw ba yang kaibigan mo?" Tanong ni Attorney habang nasa isang cubicle ako at nagbibihis.
"Sino? Si Ryland ba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo." Sagot niya.
Isinuot ko muna ng ayos ang dress ko saka lumabas ng cubicle.
"Pa zipper." At tumalikod ako sa kanya. "Bat mo naman natanong? May kagaguhan bang ginagawa sa iyon si Ryland?" Takang tanong ko.
"Wala naman." Sagot nito nang mai-zip niya ang dress ko.
"Pero?" Alam ko namang may kasunod na pero yan. Hindi man kami ganoon ka close ni attorney pero madalas naman kaming nagkakasama.
"Pero magulo siyang kausap. Iba yung ginagawa niya sa sinasabi niya. Hindi magkatugma palagi." Napatango tango naman ako dahil ganyan din naman talaga si Ryland sakin noon nung hindi pa kami masyadong close.
"Ayokong makialam sa inyo. Just wait for him to open up to you. For sure your questions will be answered." Tinapik ko sa balikat saka nag ayos saglit ng sarili habang siya ay nanatailing tahimik sa gilid ko.
"Let's go?" Pag aaya ko sa kanya nang matapos akong mag ayos.
Si attorney ang nag guide sakin kung saan kami pupunta kung saan gaganapin ang civil wedding. Sa office daw ng mayor gaganpin ang civil wedding at si attorney na ang bahalang magpasa ng marriage certificate na pipirmahan namin.
Nang makapasok kami sa opisina ng mayor ay lahat ng mata ng tao na nasa loob ay nakatingin samin. Nakangiting lumapit sakin si Daddy.
"Parang pinaghandaan mo talaga itong kasal mo na 'to ah." Sabi sakin ni Daddy.
"This is a sudden event. Wala pa naman po talaga akong planong magpakasal, it just happened." Paliwanag ko sa kanya.
"Okay. Sabi mo eh." Pagsuko ni dad.
Nang makarating kami sa harap ng judge ay ibinigay na ni Dad ang kamay ko kay Haven. I looked into his eyes and smiled. Maybe this is just so sudden decision to get married but I am sure that he is the one that I wanted to marry.
BINABASA MO ANG
Deceived Supremacy
Action"A wolf in a sheep's clothing," I called myself like that but they never found out because they were all deceived by my angelic features. People are easily deceived by my face and my action but they won't ever see the hidden wolf in me except for on...