Chapter 25
ILANG linggo na din ang lumipas simula nang mapanaginipan ko ang pangyayaring iyon. Iyong bangungot na siyang nagbigay ng takot para amin ng anak ko. Simula ng araw na iyon ay mas naging maingat ako sa mga gagawin ko, madalang na din akong bumisita kila Chandria. Maybe once a week na lang.
Iyong pag shoshopping ko na gagawin ko dapat kinabukasan ng araw na iyon ay hindi natuloy lalo na nang sabihin ko kay Daddy ang bangungot na iyon nang makauwi siya. Hindi na muna niya ako pinayagang lumabas ng madalas.
"Nay pakikuha naman po ng mga sinulid ko sa itaas." Pakiusap ko kay Nanay Doris.
"Naku, puro sugat na nga iyang kamay mo, tahi ka pa rin ng tahi." Naiiling na sabi ni Nanay Doris.
Pagbuburda kasi ang pinagkakaabalahan ko habang nandito ako sa bahay at walang ginagawa dahil paminsan minsan naman ay nasa trainging grounds ako kung nasaan ang mga computers na pinag momonitoran ko ng mga agents.
"Mas madali ba, Nay yung crochet? Paturo din po ako." I asked while pouting with pleading eyes.
"Saka kita tuturuan kapag natapos mo na iyang tinatahi mo." Napapalakpak naman ako nang sabihin iyon ni Nanay.
"Sabi niyo po yan ah!" Paninigurado ko dahil gusto kong gawan ng damit ang baby ko.
Nagsimula na ulit akong magtahi habang nanonood ng tv. Nawiwili na din ako sa panonood ng mga kdrama at nakatapos na ata ako ng dalawang kdrama sa loob ng isang linggo at ngayon ay Our Beloved Summer naman ang pinapanood ko.
Pinapatigil nga ako ni nanay na panoorin yang kdrama na yan kasi bawat episode umiiyak daw ako. Baka raw mapasama ang baby ko sa sobrang pag iyak ko.
"Kumakain ka muna. Mamaya mo na ituloy ang panonood mo niyan." At inilapag ni nanay ang tray ng pagkain ko sa coffee table na nasa harap ko.
Kumain muna ako dahil mamaya ay bibisita ako sa bahay nila Chandria. Nakapag paalam naman na ako kay Daddy na mamimili ako ng gamit ang baby ko.
Matapos kong kumain ay naligo at nagbihis na lang ako ng maxi dress dahil iyon na lang ang meron ako na pang alis na kakasya na sakin. Kaya mamaya bibili na din ako mamaya ng mga maternity dress.
"Nay, alis na po ako." Paalam ko kay Nanay Doris .
"Mag iingat ka!" Pahabol na sabi ni Nanay.
Nang makalabas ako ng bahay ay nakahanda na ang kotse. Dadaanan ko lang naman sila Chandria sa bahay nila at kung hindi kami gagabihin sa mall doon ako tatambay muna sa bahay nila. Kasama din ata nammin si Denver, ang asawa ni Chandria.
Nag text na ako kay Daddy at kay Chandria na paalis na ako ng bahay. Hindi din naman naging mabilis ang byahe dahil medyo malayo layo ang bahay nila Chandria dito.
"Cha! Where's baby Clayde?" Tanong ko sa kanya nang makapaosk siya ng kotse.
"Nandun kay Denver. Nilaro pa kasi ni Denver si Clayde pagkatapos bihisan, ayon nadumihan ulit kaya binibihisan ni Denver sa loob." Natawa naman ako sa kanya dahil mukhang inis na inis siya ngayon sa asawa niya.
"Hayaan mo na." Natatawa ko na lang na wika.
Maya-maya lang din ay dumating na si Dwenver kasama si Clayde. Van ang sasakyan namin ngayon kaya ang dalawang lalaki ay sa likod na namin pumwesto. Habang papunta kami ng mall ay hindi din mawawala ang kwentuhan namin. Hindi ko man laging nakakausap si Denver dahil palagi akong nauunang umuwi sa bahay bago siya makarating sa bahay nila Chandria ay kumportable naman akong makipag usap sa kanya.
Nang makarating kami sa mall ay dumiretso kami doon sa store na pinagbibilhan ni Chandria ng clothes niya noong buntis isya. Most of the clothes here are for pregnant women. Magaganda din nag tela at presko. May mga pambahay at may mga pang alis din na casual lang.
BINABASA MO ANG
Deceived Supremacy
Action"A wolf in a sheep's clothing," I called myself like that but they never found out because they were all deceived by my angelic features. People are easily deceived by my face and my action but they won't ever see the hidden wolf in me except for on...