CHAPTER 14

15 12 0
                                    

Chapter 14

MABILIS ang naging byahe namin pauwi sa bahay. Sa bahay kung saan ako lumaki kami tutuloy dahil mas safe doon ngunit mas mapanganib para samin ni dad lalo na at may mga bagong salta akong dadalhin doon.

"Does your father know about this?" Napalingon ako kay Magpie.

"I'll tell him kapag nakabalik na siya." Sagot ko sa kanya.

Wala na rin namang sinabi pa si Magpie pero alam kong nag aalala siya dahil baka siya ang pagalitan ni Dad kapag may nangyaring masama sakin habang kasama ko siya.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Marra na nasa tabi ko lang.

"Sa house ko po. It's a big house! May playground din doon!" Sagot ko sa kanya.

"Talaga po?! Pwede po ako maglaro doon?" Excited na tanong nito.

"Yup! I also kept my old toys! And if ate is not busy, you can play with me! Is that okay?" Tanong ko.

"Opo! Opo!" Bibong sagot nito.

Nangiti naman ako at hinimas ang buhok niya. I'm glad that this kid is being happy regardless of what happened to her. She's being strong and that is what I am envious of. I hope that I can be like her too.

"We're here!" Wika ko nang makarating kaming bahay.

Lumabas na ako ng sasakyan kasunod si Marra at rinig na rinig ko ang pagka mangha sa boses nito nang tawagin niya ako.

"Ate Cayra! Anlaki po ng bahay niyo!" Manghang wika nito.

"Tara sa loob!" Pag aaya ko sa kanya at hinayaan na ang dalawa na mag asikaso ng mga dala namin.

Pumasok kami sa loob at sumalubong samin si Nanay Doris. Napabuntong hininga ako at agad na lumapit kay nanay.

"Nay naman. Dapat nagpoapahinga na lang kayo." Sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba? Tumayo lang anamna ko diyan kanina nang marinig ko iyong sasakyan mo." Wika pa nito.

"Dito na nga po tayo. Upo ka na diyan dahil may ipapakilala ako sayo." Nakangiting wika ko.

"Marra. Halika dito." Tawag ko sa bata.

Nahihiyang lumapit ito samin kaya marahang hinila ko siya at ikinandong sakin. Hindi naman siya gaanong mabigat. Sakto lang.

"This is Marra, Nay Doris. She will be staying here if she wanted to." Pakilala ko. "Marra, this Nanay Doris, she is your ate Cayra's nanny and also my Lola." Wika ko.

"Hello po, Nanay Doris!" Bibong wika ng bata.

"Napaka bibong bata mo naman, ineng! Ilang taon ka na ba?" Tanong ni Nanay.

"Ganito po!" At ipinakita niya ang pitong daliri niya.

"Nanay Doris!" Napangiwi ako sa sigaw ng isang lalaki.

"Hala kang bata ka! Nandito ka pala! Halika dito!" Natutuwang wika ni Nanay Doris.

Nakangusong lumapit si Magpie kay nanay at yumakap sa bewang nito. Nailing na lang ako sa pagka isip bata nitong lalaking to.

"Na-miss ko po kayo. Ayaw po kasi ako papuntahin ni Cayra dito." Nakangusong wika nito.

"Eh kasi, papagurin mo lang si nanay sa kakulitan mo." Sabay irap ko rito.

"Nay oh! Kita niyo  yon? Sinusungitan ako ni Cayra!" Sumbong nito kay nanay.

"Magsitigil na nga kayo. Ipakilala niyo naman ako doon sa kasama niyong isa." Sabi ni nanay kaya napatingin ako sa tinitignan niya.

Deceived SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon