CHAPTER 48

8.3K 246 10
                                    

Nyx sat on the opposite sofa. She's intimidated by her presence pero hindi siya magpapatalo rito. She knew Azrael had a strained relationship with his mother.

"I didn't know my son had a poor taste for a wife. He dated socialites, models, actresses. And now he will marry someone na taga-bundok." She laughed as if mocking her.

"May problema po ba kung taga-bundok ako?"

"Well...I just don't think you'll be able to blend in you know. Namumuhay ang anak ko sa marangyang mundo. He's a billionaire. Hindi naman kaya, pera lang ang habol mo sa anak ko?"

She smiled formally. "Hindi po materyal na bagay ang habol ko sa anak ninyo. At ano po bang alam ninyo sa taga-bundok kung nasa siyudad lang kayo buong buhay niyo? Mayroon na rin sa mga bundok ang meron kayo rito sa siyudad. May pinag-aralan din kaming mga tao, Ma'am. Huwag niyo naman sana kaming maliitin."

"I just want the best for my son, hija. Sure, sure you have a degree and probably a small piece of land. Pero hindi ka nababagay sa anak ko."

"Mawalang galang lang po. Ano po bang alam niyo sa gusto ng anak niyo? O siya mismo?"

She saw it coming and she let her. Azrael's mother slapped her hard. Panigurado magmamarka iyon.

"Walang hiya kang babae ka! Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?"

She looked up at her kahit namamanhid na ang pisngi niya. "Ako po ang fiancee ng kaisa-isang anak ninyo. Hindi po ba dapat maging proud kayo sa kanya? He can look past age, social class, and culture to be with someone."

"Kahit anong sabihin mo, hindi ka nababagay sa anak ko!"

"Si Azrael lang po ang nakakaalam kung sinong nababagay sa kanya."

"Ano bang alam mong gawin? Magtanim? Magbungkal ng lupa?"

"Wala pong masama sa pagsasaka. Wala kayong kinakain na mga gulay dito sa siyudad kung hindi dahil sa aming mga nagtatanim sa bundok. Wala kayong mga bulaklak na ibibigay kung hindi dahil sa mga flower farms namin sa bundok. Sabagay, mayaman kayo at kaya ninyong bumili ng frozen at imported na mga pagkain. Hindi po maliit na bagay ang pagsasaka at alam ni Azrael iyon."

"I will never give my blessing!"

"Si Azrael po ang nag-iisang anak ninyo. Malalim ang sugat sa puso niya nang iniwan ninyo siya. Kahit po ba ito lang hindi ninyo maibigay sa kanya bilang ina niya?"

"Ano bang alam mo sa pagiging ina?"

Umiling siya. "Kailangan po ba talagang maging ina para malaman ang pakiramdam ng isang ina? Kasama ko si Azrael noong mga panahon na nahihirapan siya at wala siyang pamilya. Niyakap siya ng pamilya ko at pinaramdam sa kanya kung paano magkaroon niyon. Ganoon po ba kabigat at kahirap sa inyo na ako ang mapapangasawa ng anak ninyo? Hindi po ba kaya ninyo iniwan ang tatay ni Azrael kasi nagmahal kayo ng iba? Gusto niyo rin po ba siyang magpakasal sa isang babae na perpekto pero hindi naman siya magiging masaya? Hindi pa po ba sapat na wala siyang pinagkukunan ng pagmamahal at aruga nitong mga taon na pinabayaan ninyo siya?"

That shut his mother up.

Nakipagtagisan siya ng tingin dito bago ito bumawi at umalis ng opisina. Napaupo siya sa sofa na tila hapong-hapo.

***

Nakipagkita pa rin si Nyx sa supplier kahit masakit na ang mukha niya. Dumaan na lang din siya sa clinic para humingi ng cold compress bago tumuloy sa opisina ni Azrael.

Wala ang sekretarya nito kaya hindi niya matanong kung nakabalik na si Azrael. Nang pumasok siya ay nakita niyang palakad-lakad si Azrael.

"Hi-"

Versailles Series Book 3: The Nun [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon