CHAPTER 39

8K 274 15
                                    

Binura ni Nyx ang ngiti nang tabihan siya ng Inang niya.

"Hindi ko alam na ganito pala kasaya magbalot ng repolyo."

"Masaya naman talaga Inang."

"Iyan ang pinaka-ayaw mong ginagawa dito sa bukid."

Natawa na lang siya at umiling. Her mother is just teasing her.

"Bakit masaya yata ang dalaga ko?"

"Hindi ba pwede iyon, 'nang?"

"Ngayon lang kita nakitang masaya mula noong bumalik ka eh."

Itinigil niya ang ginagawa at tinignan ang ina. "Masaya ako 'nang."

"Sino bang nagpapasaya sa iyo?"

She smiled shyly. She's almost thirty but here she is acting like a high school student confessing her crush to her mother.

"Si Azrael, 'nang."

"Alam ko na unang kita ko pa lang sa kanya noong makarating sila rito. Nagkaroon ako ng pag-asa na mahanap mo ang makakapagpasaya sa iyo anak."

Niyakap niya ang Inang niya. "Sabi niya aantayin niya raw ako."

"Ano pang aantayin? Gusto ka niya. Gusto mo siya."

"Ayoko nanamang magkamali, 'nang."

"Walang nagmahal na naging masaya ang hindi nagkamali. Hindi maiiwasan iyon. Madalang ang tao na nahahanap ang tao para sa kanila sa unang subok. Iyung iba nga kahit senior na eh nakakahanap pa rin ng pag-ibig." Tinignan siya nito. "Ang sinasabi ko lang sa iyo, kung magmamahal ka, mag-enjoy ka. Huwag mong hanapan agad ng mali o ng kasalanan kahit wala pa man. Masaya ang magmahal ng taong mahal ka, anak."

She smiled. "Salamat, 'nang."

Tumayo na ito at nagpagpag ng damit. "Mauna na ako." Tumigil ito sa di kalayuan. "Naipaalam ka na pala niya sa amin."

That made her smile even wider. Maybe her mother is right. Maybe she chose the right man this time.

***

Pumunta sa bayan ang team ni Azrael at naiwan ito kasama ang Tatang niya na may pinagawa nanaman rito.

Nagplano siyang umakyat sa kalapit na burol. Ginagawa niya iyon minsan sa isang buwan. maganda kasi roon at tahimik lang. Malayong pag-aari ng mga magulang niya ang lupain na iyon kaya naman pwede siyang pumunta roon kahit kailan.

"Where are you heading?"

Nalingunan niya si Azrael na papalapit sa kanya.

"Pupunta lang ako sa burol."

"Can I join?"

"Hmm...sige. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?"

"Yeah. Your father seems to make me do a lot around the farm these days."

Natawa siya. "Huwag mo kasing galingan masyado."

After an hour, they got to the hill she was talking about. Malayo iyon sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista sa bayan nila. Mapuno rin doon kaya may nasisilungan sila habang nakaupo sa damuhan.

"Do you usually come here?"

Tumango siya. "Madalas na kasama ko ang mga kapatid ko rito. Mula noong magtrabaho sila sa Maynila, ako na lang."

Humiga ito sa banig at pumikit. "I wish we had more places like this in the metro."

"Pwede naman kayong bumalik-balik dito. Hindi rin ipapagalaw nila Inang itong lupa dahil maganda naman na siyang ganito. Busy sila sa farm masyado para pumasyal dito."

Versailles Series Book 3: The Nun [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon