Pagkatapos magbaba ni Nyx ng mga gulay ay nagkita sila ni Laurie.
"Friend!!!! Akala ko talaga hindi na kita makikita!"
Natawa naman si Nyx nang ngumawa si Laurie. She missed her friend. Hindi sila madalas magkita noong nasa kumbento pa siya at lalo naman noong nasa Versailles siya.
"Eh nandito na ako uli. Tumigil ka na nga! Pinagtitinginan na tayo!"
"Eh hayaan mo sila. Basta na-miss kita friend."
Nag-order na sila at inantay na lang na dumating ang pagkain.
"Masaya naman ako at balik ka na ulit dito. Pero bakit ka nga ba umalis sa pagmamadre?"
Natanong na sa kanya ng mga magulang niya iyon at ang lagi niyang sinasabi ay hindi na niya nakikita ang sarili niya bilang isang madre.
"Hindi ko na nakikita ang sarili ko bilang isang madre."
"Hmm. May nagpabago ng isip mo?"
She sipped on her drink and stirred it. "Meron."
"Ayyy...lalaki ba siya?"
Tumango siya.
"Oohh... Sino?" Lumapit si Laurie sa kanya.
"Wala. Hayaan mo na nga. Ang importante, nandito na ako at masasamahan ko na ulit sila Inang na magpalakd sa bukid."
"Friend...may sasabihin ako sa iyo."
"Ano?"
"Ahm...ikakasal na ako."
She wasn't able to hold back her surprise. "T-talaga?"
She nodded tearfully. Ipinakita nito sa kanya ang engagement ring nito.
Niyakap niya ito. "Congratulations! Tamang-tama pala ang balik ko."
"Talaga! Ikaw ang bridesmaid ko ha."
"Oo naman. Taga-saan ba iyan?"
"Hmm...taga-rito din naman siya pero naka-destino siya sa Maynila. Dito naman kami ikakasal."
"Doon ka na rin ba titira?"
Tumango ito. "Nakabakasyon lang ako dito pero matagal na kaming live-in sa Maynila."
Marami na nga siyang na-miss sa loob ng dalawang taon na nasa kumbento siya.
"Masaya ako para sa iyo."
"Ako rin para sa iyo friend. Kung sino man ang nagpabalil sa iyo rito, sana makilala ko rin siya."
Napatawa siya ng pagak. "Baka hindi na."
"Ay...bakit naman friend?"
"Hindi kami bagay."
"Artista ba iyan? Saka bakit mo sinasabing hindi bagay? Maganda ka naman ah. Hindi ka lang mahilig mag-ayos."
"Hindi naman ako banidosa. Ganito ang hitsura ko araw-araw. Kung may magka-gusto sa akin, eh di dapat magustuhan niya ako ng ganito."
"Oo na sige na. Pero ayaw mo talagang sabihin sa akin ang pangalan?"
Umiling siya.
"Sige na nga."
Buti na lang at dumating na ang pagkain nila. Nag-kwentuhan sila tungkol sa maraming bagay. Of course, she omitted Azrael because Laurie will eventually know.
BINABASA MO ANG
Versailles Series: The Nun [COMPLETED]
RomanceNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...
![Versailles Series: The Nun [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/256425065-64-k408478.jpg)