Bubuksan pa lamang sana ni Nyx ang simbahan nang makita ang isang bata na nakaupo sa hagdan.
Dahan-dahan siyang lumapit dito. Nang tumingala ito ay namumula ang mga mata nito na tila kagagaling lamang sa pag-iyak.
"Ikaw po ba si Mama Mary?"
Ngumiti siya at tumabi rito. "Hindi ako si Mama Mary. Ako si Sister Nyx."
Inayos nito ang palda na suot habang nagsimula nanamang humikbi.
"Bakit ka umiiyak?"
"Kasi po si Mommy umiiyak nanaman."
"Anong pangalan ni Mommy?"
"Savannah po."
"Bakit umiiyak si Mommy?"
"Si Daddy kasi pinapaiyak po siya."
Inabutan niya ito ng panyo. Sa tantiya niya ay nasa lima o anim na taong gulang ito.
Is it domestic abuse? Bahagya siyang kinabahan.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya rito.
"Naomi po."
"Okay, Naomi. Nandito ba si Daddy? Kasama ba niya si Mommy?"
Umiling ito. Somehow that eased her mind.
"Si Daddy po may friend siya na naka-dress. Lagi po siyang nasa bahay. Pinapaiyak po nila si Mommy." Humikbi nanaman ito.
Mabilis niyang binuksan ang simbahan para makakuha ng tubig sa loob. Binalikan niya si Naomi at ibinigay ang tubig dito.
If her hunch is right, Naomi's father is being unfaithful to his wife.
"Lagi nag-aaway si Mommy at Daddy. Ayaw ko po silang mag-away. Love ko po sila."
Hinaplos niya ang likod nito. "May problema lang si Mommy at Daddy. Kailangan lang nila magbati."
Umiling ito. "Kasama ni Daddy iyung naka-dress na babae sa house. Ayaw niya sa amin ni Noah. Kawawa si Mommy. Mag-isa siya lagi."
Niyakap niya ito. She felt pity for the kid. She's too young to see the ugly side of marriages.
Napatingin siya sa kalsada nang makita ang pag-himpil ng sasakyan sa harap ng simbahan. Lumabas ang isang baabe kasunod ang isang batang lalaki.
"Naomi!"
"Mommy?"
Napatayo siya habang mabilis namang nakalapit sa kanila ang babae. She must be Savannah.
"Why did you go out? Sinabi ko na huwag kayong lalabas ng bahay without me 'di ba?" Worry was evident on her face. She looked familiar hindi lang niya maalala kung saan.
"Sorry, Mommy. Sabi niyo po pag need ko ng help, pupunta po sa simbahan."
Niyakap na lamang nito ang anak bago siya tinignan.
"Sorry Sister at naabala namin kayo. I'm Savannah by the way."
Umiling siya. "Tama naman siya ng pinuntahan. The church is always open to everybody."
Tinignan nito ang dalawang anak na nagyayakapan. Kambal pala ang dalawa. Maybe he is Noah.
"Matalino siyang bata. May mga bagay siyang nabanggit at ayoko namang manghimasok pero, may problema ba kayo sa bahay?"
Bumuntong-hininga ito. "Marriage troubles. My husband was cheating on me. We're processing our annulment. It must be hard for the kids."
"Sabi ni Naomi na lagi ka raw umiiyak."
![](https://img.wattpad.com/cover/256425065-288-k384467.jpg)
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 3: The Nun [COMPLETED]
RomansaNyx A heartbreak makes her turn to the Divine being and enter a convent Her decision is final until she meets him Azrael is the least expected person to sway her and tempt her Each time their eyes meet, she knew something has changed Will she choose...