Chapter 26

2.5K 93 4
                                    

Karylle's POV

Iyak ako ng iyak pagka-pasok ko ng kwarto. Ang sakit isipin, na totoo nga ang sinabi sakin ni Joanne, at hindi niya yun itinanggi sa harapan ko. Isa akong matapang na babae pero nawawala ang tapang na yun pag naiinvolve ang love. Ngayon naiintindihan ko na si Anne, dahil sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao at sa oras na masaktan ka ay maaapektuhan ang lahat sa buhay mo.

Nalaman ko ang buong katotohanan kay Joanne.

FlashBack...

1 week na ang nakakalipas simula nung makita ko si Vice at ang ex niyang si Terrence na naguusap na may pahawak effect pa pero wala ni isang Vice ang nagpakita at lumapit sakin. Siguro nga sila na ulit ng ex niya at kinalimutan na ako.

Napaluha ako sa naisip kong yun, masakit sakin na isipin na kinalimutan niya na ako dahil sa bumalik na ang ex niyang si Terrence.

Kung magpapakita siya sakin at hihingi ng tawad dahil nakipag-date siya sa ex niya at ipapaliwanag sakin ng mabuti ang lahat, kaya ko pa siyang patawarin pero sa ginagawa niyang to ay ipinapaalam niya lang sakin na wala siyang paki-alam sa nararamdaman ko o saakin man lang.

Iniyak ko nalang ang sakit na nararamdaman ko, at umaasang sa pamamagitan ng pag-iyak ko ay mababawasan yung sakit na nararamdaman ko.

*DINGDONG*

Agad akong napatayo, nagbabakasakaling si Vice ang dumating. Siguro hihingi na siya ng tawad at babalik sakin.

Nagpunas agad ako ng luha kong nagkalat sa mukha ko at inayos ang magulo kong damit.

Nung nasa tapat na ako ng pinto ay huminga ako ng malalim saka humawak sa doorknob ng pinto.

Dahan dahan ko itong binuksan at nawala ang ngiti sa aking mukha ng hindi si Vice ang nakita ko, kundi si Joanne.

"O? Bakit parang nanlanta ka Maam? Mukhang hindi ako welcome a." pagbibiro niyang sabi saakin.

Nginitian ko siya, yung pilit, wala talaga akong lakas na ngumiti ngayon.

"Hindi naman, may ini-expect lang. Tara, pasok ka." Mahina kong sabi kay Joanne.

"Thank you." sabi niya sakin saka pumasok na sa loob.

Bago ko isara ang pinto ay sinilip ko muna sa labas dahil nagbabakasakali ako na kasama ni Joanne si Vice, pero wala.

Nanghihina kong isinara ang pinto at pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom ni Joanne.

Pagka-galing ko ng kusina, iniabot ko kay Joanne yung Pepsi in can.

"Yan lang ang meron ako dito, pagpasensyahan mo na." sabi ko.

"Okay lang." nakangiti niyang sabi.

"Ano nga pala ang kailangan mo? Tungkol ba sa School? Sa pagkaka-alam ko, okay naman yung grades mo sakin."

"Hindi po tungkol sa school ang ipinunta ko dito, ganito nalang isipin mo na hindi ako pumunta dito bilang studyante mo kundi isang kaibigan at bilang kaibigan mo ayoko na wala kang alam at nagmumukhang tanga. Hindi lang teacher ang turing ko saiyo kundi bilang kaibigan ko din." Agad akong nagtaka sa sinabi niya, anong ibig sabihin niya sa mga sinabi niya?

"Anong ibig mong sabihin? May kailangan ba akong malaman?" Tanong ko sakanya, bigla akong kinabahan at natatakot na pakinggan ang sasabihin ng tao na ito sa harap ko.

"Oo, may kailangan kang malaman... tungkol kay Vice." Biglang sumakit ang dibdib ko, alam ko na ang sasabihin niya.

"Oo alam ko, na nagkabalikan na sila ni Terrence, at ikaw rin ang nagpakita saakin non. Nagpapasalamat ako at ayaw mo kong magmukhang tanga." Malungkot na sabi ko at nagsisimula nanamang umiyak.

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon