Chapter 4

4.8K 106 5
                                    

Karylle's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung marealize ko na nag-assume lng ako sa wala.

Ngayon papasok na ako sa AU bilang isang Guro, pero bakit hindi pa rin ako masaya? Eto ang pangarap ko diba? Eto yung matagal ko ng gusto ang maging Guro? Pero bakit di manlang ako masaya.

Habang naglalakad ako papuntang Faculty Room, kung saan nandun lahat ng Teachers biglang may lumapit saking lalaki, kaedaran ko lng.

"Hello." Nakangiti niyang bati sakin.

Ngumiti nlng ako sakanya saka naglakad ulit. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon, pasensya ka na kung sino ka man.

Akala ko hindi na niya ako papansinin pero mali pala ako.

"Miss, bakit ba ang lungkot mo? First Day ng Klase ngayon dapat masaya tayo."

Tama siya dapat maging masaya ako pero bakit di ko magawa.

"Sorry Mr, pero wala po talaga ako sa Mood makipag-usap ngayon." Naglakad na ako ulit pero sinundan niya ako.

"Teacher ka diba?"

Akala ko titigilan na niya ako matapos kong masabi na wala ako sa mood pero ang kulit talaga niya, kakausapin ko na nga lang siya baka sakaling malibang ako at tigilan na ang kakaisip sa lalaking este baklang yun.

"Ah oo, ikaw?"

Nagulat naman siya. Hala bakit? May nasabi ba akong mali.

"May problema ba?"

"Ah wala, akala ko kasi di mo ko kakausapin eh."

"Sorry, may iniisip lng ako. Ikaw teacher ka rin ba?" Pag iiba ko ng usapan.

"Oo, major in English. My Name is Yael Santos and you?" Pagpapakilala niya saka linahad ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Im Karylle Cruz. Nice to meet you." Sabay abot ng kamay niya.

"Nice to meet you din. Tara na sa Faculty Room." Sabi ni Yael.

"Tara."

Habang papunta kami dun, kwento siya ng kwento ng kung ano anong nakakatawa kaya di ko mapigilang tumawa. Joker pala talaga siya. Hahaha.

Dapat talaga hindi ko na iniisip yun, dapat maging masaya ako at hindi nagdadrama. Mabuti nalng at kinausap ako neto ni Yael, nakakatanggal ng Stress.

Vice's POV

"Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Rinig kong sigaw ni Bestie sa labas ng bahay ko. Ang ingay talaga ng babaeng to sarap pasakan ng medyas sa bunganga eh.

Tumayo ako at pinagbuksan ko siya ng pinto. Hayyy inaantok pa ako eh.

"Bakla ka! Bakit ang tagal mo ha? Kanina pa kaya ako dito sa labas. Tulog mantika ka talaga." Sermon niya sakin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.

"Seriously Bestie, kaibigan ba kita o nanay ko? Kung maka sermon ka sakin akala mo nanay kita eh."

"Hoy Bakla! Hindi mo ko nanay ok. Sinasabihan lng kita. Ang bagal mo kasi, tama na nga bilisan mo nat maligo ka na dahil malalate tayo." Sigaw nanaman niya.

Ano ba yan? Magkaharap lng naman kami kung makasigaw akala mo tatlang bahay ang pagitan namin eh. Wagas din makatawag ng Bakla sinabihan na siya na Lady ako eh.

"Osiya siya, pero teka lng ha remind ko sayo Lady ako hindi bakla ok." Mataray kong sabi saka dumiretso sa banyo.

Ang aga-aga ang sakit na agad ng bangs ko sa babaeng to eh.

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon