Karylle's POV
Sinamahan namin ni Pogi si Anne dito sa Condo ni Vhong. Namimilit kasi siya na pumunta dito, dahil kailangan niya itong makausap, hindi rin naman ako maka-hindi dahil nagmamakaawa na siya.
Nandito na kami sa harap ng Unit niya...
Pinindot ni Pogi yung DoorBell habang ako ay inaalalayan si Anne, dahil para siyang babagsak pag hinayaan ko.
Naka-limang doorbell na si Pogi pero wala pa ring lumalabas kaya hiniram ko muna yung susi ni Anne, may spare key kasi siya.
Pagkabukas ko ng pinto ay tinabig ako ni Anne, at mabilis na tumakbo sa loob.
Sinundan namin siya ni Pogi, at naabutan namin si Anne na nakaupo sa sahig, nakaharap siya sa closet ni Vhong.
Tiningnan ko yung closet at wala ng mga gamit mukhang umalis na si Vhong.
Iyak siya ng iyak. Linapitan ko siya at yinakap.
"Wala na, huhu. Wala na siya..." sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Tahan na..." Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam ang gagawin para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
"Masaya naman kami, hindi ko alam kung bakit agad siya nagsawa, ginawa ko ang lahat para maging matibay ang relasyon namin pero bakit?" Iyak siya ng Iyak habang sinasabi saakin.
"Karylle, may mali ba sakin? Panget ba ako?" Sabi niya.
Yinakap ko nalang siya, "Tahan na..." yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong pede kong sabihin para mabawasan ang sakit na nararamdaman.
Di nagtagal nakatulog na si Anne sa kakaiyak. Hinayaan ko na muna siyang matulog.
Tinabihan ko si Pogi ko na nakaupo sa sofa ng condo ni Vhong.
Nag-stay muna kami, tutal kahit papaano kaibigan namin si Vhong kaya siguro naman pwede.
"Bakit kaya nakipag-hiwalay si Vhong sakanya?" Bigla kong tanong.
"E diba sabi nagsasawa na nga, wala kang magagawa kung ayaw na talaga ng tao sayo." Sagot ni Pogi saka hinila pa ako lalo palapit sakanya. Kumunot ang noo ko ang sagot niya.
"Baliw, hindi ako naniniwala na dahil lang yun doon. Dahil sa tagal na pagsasama nila ay hindi basta basta ang relasyon nila, at naging witness ako ng pagmamahalan nila kaya naniniwala akong iba ang dahilan at kailangan kong malaman yun."
"Hmmm, sorry naman."
"Siguro ikaw pag nagsawa ka sakin, wala ka na ring pakialam kahit gaano katagal ang naging relasyon natin. Tsk!"
"Hindi mangyayari yun, kahit kailan." Bulong niya saakin.
Napaisip ako sa sinabi ko, paano nga kaya kung maging ganun si Pogi ko saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun, siguro magiging ganun din ako katulad ni Anne ngayon pag nangyari yun.
Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi siya magsawa agad sakin. Dapat hindi kami lagi magkasama at dapat hindi ako masyadong naghahabol sakanya.
Tumayo ako at lumipat sa kabilang sofa para umupo doon.
"Bat ka lumipat diyan?"
Nginitian ko siya "wala lang, naisip ko lang na mas kompurtableng umupo dito."
"Dapat sinabi mo saakin, sige diyan nalang tayo umupo." Akma siyang tatayo pero pinigilan ko agad siya.
"Wag na, diyan ka na." Sigaw ko.
Hindi niya ako pinansin, tumawa siya saka tumabi saakin.
"Sabing doon ka lang e, atsaka bat ka ba tumatawa, walang nakakatawa okay." Sabi ko sabay irap sakanya.