Chapter 34

2.4K 79 10
                                    

Vic's POV

Nandito pa rin kami sa loob ng Airport at kasama ko tong si Atalia, anak ni K.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na samahan si Atalia, nakita ko nalang sa sarili ko na pumayag ako

Ngayon nakahawak sa kamay ko si Atalia, magaan ang pakiramdam ko sa batang to.

Ang ganda niyang bata, kamukhang kamukha niya si Karylle. Maganda at makikita mong mabait ang batang to.

"Bakit gusto mong lumabas kasama ako?" tanong ko sakanya dahilan para mapatingin siya sakin.

"Gusto ko lang po na maranasan ang magkaroon ng Dad sa tabi ko." sabi niya, slang siya magsalita ng tagalog, sabagay lumaki kasi siya sa ibang bansa.

Teka? Dad? Diba kasama naman niya ang tatay niya.

"May Dad ka naman, si Yael." maikli kong sagot.

"No, he's not my Dad." halata sa boses niya na malungkot siya sa sinasabi niya.

Hindi ko talaga siya maintindihan sa sinasabi niya.

Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang isang batang katulad niya.

Umupo ako para maging magka-level ang mga mukha namin.

"What do you mean, he's not your dad?" tanong ko.

Biglang tumulo yung luha niya sa tanong ko.

"Why are you crying?" sabi ko ulit.

Hinila ko siya paupo don sa waiting area ng mga pasahero.

"Stop crying." sabi ko kasi tumitingin na yung mga taong dumadaan.

"Sorry po, kasi yung tunay kong Dad wala na, he's with Papa God now." Sabi ni Atalia sakin habang pinapatahan ang sarili niya.

Patay na ang Dad niya? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya?

Alangan naman Vice, may maiintindihan ka ba sa isang bata.

Hinintay ko na tumahan siya at ng tumahan na siya ay tumabi siya sakin.

"Do you have tissue or handkerchief? My face is sticky, its disgusting." sabi niya sakin.

Iniabot ko sakanya yung panyo ko, kung magsalita ang batang to kala mo matanda na noh?

Nagpunas siya ng mukha saka ako hinarap.

"Papa Yael is not my biological father, he's my ninong and I consider him as my second father. My biological father is already dead, he died because of a car accident. I didnt even saw his face because when the accident happen I'm still in the womb of my Mom. I really cried when my mom told me about my Dad, I didnt even know what he looks like because Mom burn all his pictures. I dont know why she do that."

"Im sorry to hear that...

pero bakit inakala mong Dad mo ko."

Hindi ko mapigilan na magtanong, ewan siguro nacucurious ako.

"Feeling ko po kasi ikaw talaga ang Dad ko." sabi ni Atalia sakin habang malapad na nakangiti sakin.

Tinap ko siya sa ulo, sa batang katulad niya ang dami niya ng alam.

"Pero hindi ako ang Dad mo." Sabi ko ng nakangiti sakanya.

"I know, but Can I call you Dad?" Pinagdikit niya ang kanyang palad saka nag puppy eyes sa harap ko.

Hahahaha, itong bata na to oo. Alam niya talaga kung paano mapapayag ang isang tao.

"For me it's okay, but is it okay to your Mom?"

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon