Chapter 44

1.9K 59 8
                                    

Vice's POV

Hindi pa rin ako makaniwala sa narinig ko mula kay Linard.

Hindi ako nagsasalita at nanatiling tahimik.

Tahimik rin na naka-upo si Linard at Carol.

Lahat kami tahimik, walang nagsasalita.

"Sorry Vice, gusto talaga namin na sabihin sayo lahat pero pinagkatiwalaan kami kaya kahit na gusto namin ay hindi pwede." Tiningnan ko si Carol, nakikita ko naman na sincere siya sa sinasabi niya pero hindi ko parin lubos maisip na inilihim nila yun sakin.

Importante ang bagay na nalaman ko ngayon at may kinalaman lahat sakin yun.

"Pero Carol, Linard, kaibigan niyo ko."

"Pare sana maintindihan mo kami, nagtiwala samin si Maam Anne kaya hindi namin kayang sirain ang tiwalang yun." Paliwanag naman ni Linard

"So okay lang sainyo na mag-mukha akong tanga?! Ganon ba ang gusto niyo? Lahat ng sinekreto niyo sakin importante na malaman ko." Tumayo na ako sa inis na nararamdaman ko.

"Pare hindi sa ganon pero ayaw lang namin na maging magulo ang lahat, mas magiging okay sana kung hindi na kami makikialam at hayaang si Maam Karylle na mismo ang magsabi sayo ng lahat. Yan ang naisip namin nina Maam Anne ang wag na makialam." Hinawakan ako ni Linard sa braso.

"Bakit hindi ba magulo ngayon? Diba wala namang pinag-iba. Wala akong kaalam-alam." Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sakin, saka umupo ulit at napasabunot sa buhok ko.

"Sorry, ayaw lang namin makialam dahil wala kaming karapatan." sabi ni Carol

Bumuntong hininga ako, "Sorry, hindi dapat ako magalit sainyo."

Ang tanga ko, wala akong karapatan na magalit kanila Linard.

"Paano niyo nalaman na anak ko nga sila?" tanong ko ng kumalma na ako.

"Sinabi samin ni Maam Anne ang lahat." Nagtaka ako, kailan pa sila naging close ni Anne.

"Nung reunion ulit kami nagkita ni Maam Anne, we were so happy that time at andami naming napagkwentuhan. Nabanggit niya rin na may resto si Maam Karylle and that time wala pa kaming job kaya renecommend kami ni Maam Anne kay Maam Karylle para ipasok sa resto niya as chef there. And ayun hinire kami and hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin kami ngayon dun sa famous resto na VK Restaurant. Madalas pumunta si Maam Anne para icheck kami lagi, dahil nasa states pa rin non si Maam Karylle so siya ang nagaasikaso samin. One day tinanong namin kung bakit hindi pa rin bumabalik si Maam Karylle dito sa pinas at dun namin nalaman ang dahilan ng break-up niyo ni Maam Karylle. Nandun si Maam Karylle para makalimot at mag bagong buhay. Doon din namin nalaman na nagkaroon kayo ng anak, ang kambal. Binubuhay niya yun ng mag-isa kasama ang tulong ng parents at mga kaibigan niya." Pagkekwento ni Carol.

Napayuko ako, "Mas marami pa kayong alam kesa sakin."

Walang nagsalita sakanila, tumayo ako "Alis na ko guys, medyo hindi maganda ang araw ko ngayon. Next time nalang ulit."

Hindi ko na inantay ang sagot nila at tahimik na umalis don.

After three days...

Anne's POV

Nandito ako sa VK Restaurant (Main Branch), binisita ko lang para icheck kung may problema at wala naman kaya naisipan ko na mag-stay muna saglit bago pumunta kina Karylle.

"Hayyy, nakakapagod pala mag manage ng resto." bulong ko sa sarili.

Binisita ko na kasi yung ibang branch ng VK at kung saan saan pa ako nakarating.

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon