Vice's POV
One week na ang nakalipas simula nang marinig ko ang kadramahan ni T. Frog. Napansin ko din na bumabait na siya sakin ngayon tapos bihira na rin lng siyang mag English.
"Bestie, tara na.." sigaw ni Joanne sa labas ng Apartment ko. Sasabay pala siya sakin ngayon.
Tinanggal ko muna yung mga nakasaksak para iwas sunog XD
Lumabas ako at nadatnan ko si Joanne na nagtatayp nanaman ng story niya. Etong babaeng to lagi nalang nakaharap sa cp niya, walang kasawaan.
"Hoy Babae, Cellphone ka nanaman" sigaw ko sakanya habang linalock yung pinto ng Apartment ko.
"Atleast ako babae eh ikaw BAKLA hahaha. Tsaka wag ka ngang mangialam." Sabi niya sakin habang nakatutok pa din sa cellphone niyang bulok.
Ayan nanaman yung Bakla na yan. Araw araw ko yang naririnig. Sinabihan na ayoko ng salitang yan eh.
Pagka-lock ko ng pinto ay naglakad na ako at hindi ko siya inantay kundi iniwan ko siya doon
Naramdaman ko naman na nakasunod siya sakin pero deadma ako. Bahala siya diyan.
"Ihhhh, tampo na si Bestriend. Joke lng naman na Bakla ka eh, Lady ka kaya. Ngingiti na yan." Sinundot niya ako sa tagiliran ko.
Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na nakiliti ako sa ginawa niya.
Sumakay na kami sa Jeep papuntang Aston University, woooh makikita ko nanaman si Jhong mamaya hahaha.
Si Jhong Hernandez ay isang college student at heartthrob siya ng AU. Atsaka wag kayo, gwapo, MVP, at Matalino yun.
Natigil ako sa pagdedadream ng kalabitin ako ni Bestie.
"Bestie, sorry na" Yumakap siya sakin. Hinarap ko siya saka ngumiti.
"Joanne Bisenio! Ikaw pag tinawag mo pa akong Bakla di na kita papansinin kahit kailan" sigaw ko sakanya pero sa pabirong paraan naman.
"Oo na po, ILY tlaa" saka kami nag holding hands. Sanay na kami na naghoholding hands kasi BFF nga kami diba atsaka wala ng malisya yan.
Saka hindi ko to papatulan noh, mas lalaki pa ata to sakin eh
Ilang minuto lng ay nakarating na kami sa AU.
Hinila ko si Bestfriend para dumaan sa College Building, sisilipin ko lng si Crush...
Pagkadaan namin sa Third Floor ay nakita ko si Jhong na nakikipagtawanan sa mga blockmates niya.
Hayyy. Ang gwapo niya talaga.
"Uy, may gagawin pa tayong Assignment remmember?" Walang ganang sabi ni Joanne sakin.
"Oo nga pala, tara na nga mamaya nalang ulit" hinila ko nanaman si Joanne papuntang Room namin.
Pagkadating namin sa room ay busy ang mga kaklase namin na gumagawa ng assignment.
Wait, let me rephrase it. Nakokopyahan pala hindi gumagawa haha.
Ay wala pala akong assignments kasi nung Sabado na pumunta ako kila bestie para magpatulong sa mga assignments pero may nangyari.
"Bestie, pakopya..." ngumiti ako sabay puppy eyes sakanya. Bigla siyang nag iwas ng tingin. Kung di ko lng to kaibigan napaghinalaan ko na to na may gusto sakin. Siguro ayaw niya lng magpakipya. Hmmmm....Aha!
Hinalikan ko si Bestie sa cheeks, "sige na, Love mo naman ako diba?"
Tumawa siya "Sige na nga, pero wag tayo pumunta sa College Building ha"