Chapter 33

2.1K 102 8
                                    

Karylle's POV

Nandito kami sa isang restaurant dito sa loob ng airport, eto lang kasi ang kaisa-isahang kainan dito sa loob.

Pagkapasok namin ay agad kaming inasikaso at binigyan ng lamesa.

"Anong pong order niyo?" tanong nung waiter saamin.

"Wala ba kayong menu?" tanong ni Sam. Oo nga nagtanong siya ng order e hindi nga namin alam kung ano ang iseneserve nila.

"Ay oo nga pala, sorry po." sabi nung waiter at umalis para kumuha ng menu.

Maya-maya ay bumalik na yung waiter at may dala na siyang menu, pinamigay niya yun samin.

Hmmm, masasarap ang sinerserve nila pang pilipino talaga.

"Atalia, what do you want?" tanong ko kay Atalia na ngiting-ngiting nakatingin sa menu.

"Anything I want?" pagpapacute niya sakin, ngumiti naman ako.

"Anything you want baby." sabi ko.

Magsasalita na sana siya kaso biglang may nagsalita.

"Ow, Teacher Karylle! Andito rin kayo? Ah oo nga pala etong restaurant lang pala ang meron dito sa loob ng airport." napalingon ako at nakita ko si Joanne kasama si... Vice.

Sandali ako napatunganga at agad din umayos.

"Ah oo hehehe, kakain rin kay--yo?" tanong ko. Natural Karylle kakain sila kaya nga sila nandito e.

"Ah oo, Vic sina Teacher Karylle, Teacher Anne, Teacher Yael, Professor Sam, and lastly ang cute na anak ni Teacher Yael at Teacher Karylle na si Atalia." Sabi ni Joanne kay Vice, so Vic na pala pangalan niya ngayon.

Napatingin si Vice kay Atalia saka kay Yael tapos napatingin sakin, nagaalangan akong ngumiti sakanya pero hindi niya ako binalikan ng ngiti sayang energy ko sa pag ngiti.

"Tara na, kumain na tayo." sabi niya kay Joanne.

"Dito na tayo sakanila Hon, maki-share tayo ng table parang reunion na rin to after 6 years! Pwede ba kaming maki-share?" sabi niya kay Vice saka humarap samin at nagpaalam na maki-share ng lamesa.

Napatingin sakin si Anne, Sam, at si Yael. Nginitian ko sila at tumango. "Syempre naman, upo na kayo." sabi ko.

"Tara na, Hon." sabi ni Joanne at hinila si Vice para makaupo.

Mukhang sila na nga, Hon na ang tawagan e.

Tahimik ang lahat ng biglang magsalita si Atalia.

"So now I can say what I want to eat, Mom?" Napatawa naman kaming lahat maliban kay Vice, bahala siya diyan.

"Gutom ka na talaga noh, Atalia." Sabi ni Anne ng nakatawa.

"Ofcourse baby, so what do you want?" tanong ko ulit.

"I want, Spicy Adobo with many rice, Chocolate Cake, and Chocolate shake."

"Ok--"

"Ow wait, Gusto ko rin ng Leche Flan" Ang lapad ng ngiti niya sakin habang kumikinang pa ang mga mata niya.

Hayyy, mahilig talaga siya kumain, hindi ko alam kung kanino siya nagmana?

"Okay, as you wish, our angel." sabi ni Yael.

Tinawag ni Yael yung waiter para humingi ng dalawa pang menu saka ito ibinigay yun kay Joanne at kay Vice.

Ng lahat ay alam na ang kakainin ay tinawag ulit ni Yael yung waiter saka namin sinabi ang order ng bawat isa.

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon