Chapter 47

1.4K 41 4
                                    

Chapter 47

Karylle's POV

Ano ba gagawin ko? Magsasalita ba ako? Kakausapin ko ba siya?

Hayyy mababaliw ata ako kakaisip kung ano ang gagawin ko.

Paano ba naman kasi, hinatid ako netong si Vice.

Si Anne kasi pinilit na ipahatid ako dito, hindi naman daw ako tumanggi kay Vice kaya wag na daw ako maginarte.

Para akong teenager na liniligawa ngayon, Hahaha nakakatawa lang pero inaamin ko kinikilig talaga ako.

"Andito na tayo." sabi ni Vice kaya napatingin ako sa labas

Nasa tapat na pala kami ng bahay ko, tinanggal ko yung seatbelt at tahimik na bumaba.

Magpapaalam na sana ako kaso bigla siyang bumaba ng kotse niya saka ako hinarap.

"Sige pumasok ka na. Goodnight!" sabi niya ng nakangiti sakin

"Ah sige, goodnight din sayo." sabi ko saka nagsimula na pumasok ng bahay pero agad akong lumingon saka siya tinawag.

"Yung about pala sa mga bata, pwede mo na silang bisitahin." sabi ko

"Talaga?! Salamat!" masaya niyang sabi saka ako yinakap kaya nanigas ako yung literal na hindi ako gumagalaw

"Ahm vice." mahina kong sabi

Agad siyang humiwalay sakin saka nagsorry.

"Okay lang"

"Ah sige pumasok ka na." sabi niya sakin

"Ahm... ano baka gusto mong pumasok muna saglit? Baka gising pa yung mga bata." Medyo naiilang kong sabi

Tinitigan niya lang ako at hindi siya sumasagot

Ano ba tong lalaking to? Akala ko ba gusto niya kaming maging okay, pero bakit parang hindi ganon ang nakikita ko.

"Kung ayaw mo, edi wag." sabi ko saka tinalikuran siya

Hindi ko siya narinig na nagsalita, ayaw niya talaga. Tse!

"Andyan ba parents mo?" nagulat ako ng magsalita siya sa likod ko.

"Wala." sagot ko

"Okay, cute mo!!!" sabi niya saka kinurot ang pisngi ko.

Tiningnan ko siya ng masama at ayun nginitian lang ako saka pumasok sa loob ng bahay.

Kainis!

Nandito ako sa kusina ngayon, tatawagan ko kasi sila Mom and Dad para iinform sila na andito si Vice sa bahay.

Bago pa ako makatawag kay Mom ay nakarecieve na agad ako ng text galing sakanya kaya binuksan ko agad yun.

From: Mom

Anak, nakauwi ka na ba? Hindi kasi kami makakauwi ng maaga sa bahay dahil nga kulang ng doctor dito sa hospital kaya kailangan naming mag-stay dito. Sige nak, goodnight!

Bukas ko na nga lang sakanila sasabihin.

Agad akong bumalik sa sala para asikasuhin na si Vice.

"Sorry, Vice. Tulog na yung mga bata eh, baka bukas ka na lang ulit pumunta." Tiningnan niya lang ako.

Ganda ko talaga! Charot!

"Vice?"

"Ah wala. Pwede bang dito muna ako saglit?" ngumiti siya sakin

"Sige, magstay ka muna, dun lang ako sa taas." Tumayo na ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Iiwan mo ko? Baka makatulog ako, dito ka muna para naman may kausap ako."

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon