Chapter 50

1K 24 0
                                    

Karylle's POV

"Anne anong sabi nina Sam at Yael?" tanong ko habang palakad-lakad dito sa kwarto ko sa hospital.

"Naka-alis na daw si Vice. Hindi daw nila alam kung san ang pagkikita ng dalawa." hindi ko alam pero hindi ako mapakali.

Tinungo ko ang cabinet na malapit lang sa kama ko at inilabas ang damit ko.

"Karylle, anong ginagawa mo?" lumapit sakin si Anne at pinigilan ako.

"Hindi ako tutunganga dito, Anne. Hindi ako mapalagay, susundan ko siya." sabi ko habang nagbibihis.

Madali akong nakapag-bihis ng damit dahil wala rin naman dito sina Mom, pinuwi ko na muna.

"Alam mo ba kung saan mo siya pupuntahan? Alam kong nag-aalala ka pero hindi natin alam kung nasan siya at kung sakaling alam man natin ay makakagulo lang tayo. Isipin mo kung ano ang isasakripisyo ni Vice para lang mailigtas si Atalia. Narinig ko wala sa sarili yung babaeng yon kaya agad na kumilos si Vice." Pagsesermon sakin ni Anne. Napa-isip ako, oo nga hindi ko alam kung saan sila magkikita.

"Alam ko. Kailangan lang natin ipa-track yung location niya, lagi namang naka-on yung gps ng phone niya. Gusto ko sabay namin to gagawin, ayoko yung mag-isa lang problema namin tong dalawa kaya dapat kaming dalawa rin ang aayos. Anne please, can you just help me?" Tiningnan ko si Anne.

Napabuntong hininga siya, "Okay fine. Tatawagan ko sina Yael to seek help from the police para matrack yung location." sabay ngiti sakin.

"Thank you." sabi ko at nag-ayos ng sarili.

Nandito na kami ngayon ni Anne kasama si Sam at Yael sa police station. Inaantay namin yung lugar, kasi tini-trace pa nila yung gps ni Vice.

We were patiently waiting ng lumabas ang isang lalaking police at linapitan kami.

"Maam, na-track na namin." napatayo talaga ako ng marinig ang sinabi ng police.

Kasama namin ang pulis ng pumunta kami sa lugar, and sa resthouse lang pala ng pamilya nina Joanne, nakipag-tulungan naman ang parents ni Joanne kasi nga napansin din nila ang pagbabago sa anak nila at ayaw nila itong mapahamak.

"Okay, palibutan ang buong lugar, hindi natin alam kung may weapon ang suspek." sabi nung head ata ng police.

Nasa malayo kami nakapwesto, nagaantay lang kami sa mga mangyayari.

"Bakit hindi na lang natin pasukin?" Tanong ko.

"Hindi pwede, maam. Kailangan po natin mag-ingat para walang mapahamak kahit isa." Tumango ako, kailangan ko lang mag-antay at matatapos na din tong lahat.

Maya-maya lang ay nakita namin si Vice, kakarating lang niya. Bakit kaya ngayon lang siya?

Napansin namin ang pagkuha ni Vice ng phone niya saka may kinausap. Hindi namin rinig dahil nasa malayo lang talaga kami.

Hindi nag-tagal ay bumukas ang pinto sa harap ng bahay, at lumabas si Joanne kasama si Atalia.

Napa-hawak ako sa bibig ko ng makitang nakatutok kay Atalia yung hawak na baril ni Joanne.

Please joanne, alam kong hindi ka masama. Wag mong saktan ang anak ko.

Napansin namin na nag-uusap na silang dalawa at mukhang nagbabangayan pa.

Hindi nagtagal ay huminahon na ang paligid sakanila kaya medyo nakahinga ako ng malalim.

Umiiyak na ngayon si Joanne habang kinakausap si Vice.

Iniwan ni Joanne si Atalia saka patakbong lumapit kay Vice para yakapin ito.

Medyo kumirot ang puso ko ng makitang halikan ni Vice si Joanne. Alam kong wala na talagang nararamdaman si Vice para kay Joanne pero nasasaktan pa rin ako.

Vicerylle|Mission Impossible: Make HIM mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon