Karylle's POV
Pagkatapos ng pagiging friends namin ni Vice ay nagsidatingan na ang kasama naming dalawa.
"May nangyari ba?" tanong naman ni Joanne habang pabalik-balik kaming tinitingnan ni Vice.
Umiling ako at ngumiti kay Joanne.
"Wala joanne, we just talk a little." sabi ni Vice saka inakbayan si Joanne.
Napaiwas ako ng tingin at nginitian si Yael.
"So okay na? Naklaro niyo na ang lahat sa pagitan niyo? Ow, wag na tayo maglokohan alam naman natibg lahat na may past kayong dalawa, so okay na?" Joanne.
Tumango kami ni Vice sabay sabing "Yeah, were friends."
Nagngitian kami ni Vice ng magkasabay kami.
"Okay tara, kain na tayo" nakangiting sabi ni joanne pero mukhang bwisit yung boses niya o baka ako lang yun? Wag na nga lang pansinin.
Naunang maglakad si Joanne at Vice, "So is it really okay?" Yael.
Tumangon ako "Yes ofcourse."
"Gusto mo ba humiwalay na tayo sakanila?" worried na sabi ni Yael.
Hinawakan ko ang kamay niya, "Dont worry, sinabi ko naman sayo okay na. Hmmm?" Tumango siya sakin saka ngumiti.
Parang bestfriend na rin to sakin si Yael, alam ko namang may gusto pa rin siya sakin hanggang ngayon pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya at hindi na yun lumagpas pa.
Sa isang lalaking katulad ni yael na matalino, mabait, at maalaga ay wala ka ng hahanapi kaya naniniwala akong may mahahanap pa siyang mas higit sakin.
(A/N: Sorry guys, tinry ko naman na lagyan ng gwapo ang katangian ni Yael pero di ko talaga kaya, nasusuka ako. Masama na kung masama pero ayoko talaga sakanya kahit kasali siya sa storyang to XD)
Sumunod na kami ni Yael kina Vice at nakiupo sakanila.
Matapos ang tahimik na pagkain namin ay nagkayayaan nanaman na sumakay ng rides.
Ngayon papunta na kaming Rio Grande.
Sa ginagawa namin ngayon paramg bumabalik kami sa pagkabata haha.
Nasa pila na kami, maraming tao dito sa ride na to kasi maraming nageenjoy dahil nga sa nababasa ka, kahit ako gusto ko tong ride na to.
Magkatabi kami ni Yael tapos nasa harap namin si Joanne at Vice na magkatabi din. Katapat ko si Vice kaya tinitigan ko ang mukha niya.
Nung gabing huli kaming magkasama, nung oras na yun ang last na natitigan ko si Vice.
At dahil sa tinititigan ko siya ngayon, masasabi kong marami ang nagbago sa mukha niya.
Naging fresh ang mukha niya, at mature.
"Karylle?" nabalik ako sa sarili ng hawakan ni yael ang balikat ko.
"HA?" tanong ko.
"Sabi ko, masama ba pakiramdam mo? Nakatulala ka kasi sa kawalan e." Yael.
Umiling ako, "Hindi, ahm may iniisip lang ako."
Napatingin ako kay Joanne at Vice at nginitian sila pero nawala ang ngiti ko ng biglang mag smirk sakin si Vice.
Shet! Nakita nakita ba niya na tinititigan ko siya? WTF ano ba kasing iniisip ko, baka isipin niya may gusto pa ako sakanya, as if.
Matapos ang medyo mahabang pilahan ay turn na namin para sa rio grande.
Dahil sa hindi pa puno yung sasakyan namin, ibig sabihin kailangan may sumabay samin na ibang mga tao.