Vice's POV
Andito nanaman ako sa harap ng unit ni Karylle, inaasahan na bumalik na siya at hindi totoo yung sinabi sakin nung babae na hindi na sila babalik.
Pero mukhang wala pa sila hanggang ngayon dahil naka-ilang doorbell na ako pero wala pa ring lumalabas.
Kagabi ko pa pinapaniwala ang sarili ko na nagbabakasyon lang sina Karylle at babalik din agad at hanggang ngayon ay yan pa rin ang iniisip ko.
Ang panget man isipin na nagbabakasyon sila sa kalagitnaan ng pasukan pero yun pa rin ang pinapaniwalaan ko.
Matapos ang isang oras ay umalis na ako para pumasok sa school.
5:00 pa ako andito at ang oras ng pasok ko ay 6:30.
Pagkadating ko sa school ay normal lang ang nangyayari sa school.
May nga masaya kasama ang mga kaibigan nila, may mga malungkot sa di mo alam ang dahilan, may mga nagiisa katulad ko, at meron ding kasama ang mga girlfriend/boyfriend nila.
Bigla ko tuloy naalala nung mga oras na magkasama kami ni K sa park, sobrang saya ni K non sana maulit pa yun...
Pagkapasok ko ng Room ay sinalubong ako ni Linard, Jeremy, Carol and Carlo.
"Good Morning, Baby!" bati sakin ni Carol saka ako beneso.
"Good Morning din." nginitian ko siya, alam kong mapait ang ngiti kong yun.
"Carol, wag mo na ngang tawaging Baby si Vice." sabi ni Linard.
"Aysus, nagselos naman tong boyfie ko. Were just friends okay." sabi ni Carol kay Linard saka ito yinakap.
Nasabi ko ba sainyo na si Linard at Carol na, Ang kapwa ko bakla dati ay naging lalaki na din katulad ko at dahil yun kay Carol na dating patay na patay sakin.
Masaya ako para sakanila, nakikita ko sakanila yung kami ni K dati? Ganyan din kasweet sakin si K.
"Ahem, tama na yan." suway ni Jeremy kay Linard at Carol. Napansin niya ata na ang tahimik ko.
"Sorry..." sabi naman nila Carol at Linard sakin.
Alam kasi nila ang tungkol samin ni Karylle, sila lang ang pinagsabihan ko kasi sila lang ang mapagkakatiwalaan dito.
"Okay lang, wag niyo kong pansinin. Sige, upo lang ako." sabi ko sakanila saka umupo sa upuan ko.
Sumunod naman sakin si Carlo, umupo siya sa tabi ko.
"Vice, hindi pa rin ba kayo nakakapagusap ni T. Karylle?" tanong niya sakin. Umiling ako.
"Hindi pa, hanggang ngayon wala pa rin sila sa Condo." malungkot kong sabi.
"Payo ko lang, kahit na may problema ka sa pag-ibig, wag mo pa rin kakalimutan ang iba mong responsibilidad katulad nalang ng pagaaral at pamilya mo." Napatingin ako sakanya saka tumango.
Tama siya, kung hindi pa niya nabanggit. Nakalimutan kong mag pamilya pa pala ako, hindi ko pa nabibisita si Mom.
"Salamat, Carlo" sabi ko saka siya tinapik sa braso.
Karylle's POV
Nakauwi na kami galing Tagaytay, at masasabi kong sumaya ako saglit don, salamat kay Yael at nandon siya para pangitiin ako. Ngayon inihatid nila ako dito sa bahay namin at naghiwa-hiwalay na kami.
Kausap ko ngayon si Mommy,
"Are you sure about this, anak?" tanong sakin ni Mommy. Tumango ako bilang sagot ko.