Karylle's POV
Ngayon nandito kami ulit sa sala ng bahay namin, ngayon si Anne at ang mga magulang ko nalang ang nandito.
"Mom, Dad..." tawag ko sakanila.
Tiningnan lang nila ako at nakikita kong malungkot ang mga mata nila.
Hinawakan ni Anne ang kamay ko, ibig sabihin hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.
Napaluha ako ng maintindihan ko kung bakit sila ganyan kumilos, ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.
"Anak, sorry pero hanggang ngayon tulog pa rin siya." sabi ni Mom na umiiyak na rin.
Bilang isang ina, nararamdaman ni Mom ang nararamdaman ko.
"Anak, sa tingin ko kaila-"
"No! Hindi ako papayag!" pagputol ko sa sinasabi ni Dad.
Hindi ko kaya, hindi ko siya isusuko.
"Pupuntahan ko lang siya." maikli kong sabi kahit na umiiyak pa rin ako.
"Sasamahan ko lang siya, Tita, Tito." sabi ni Anne at hinayaan ko lang siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobra akong nasasaktan.
Nandito na ako sa harap ng kwarto niya, pero nahihirapan akong pumasok at natatakot sa makikita ko.
"Karylle, wag mong pilitin ang sarili mo. Pwedeng bukas mo nalang siya puntahan." sabi ni Anne sakin pero umiling ako.
"Nakauwi na ako kaya dapat makita niya ako." umiiyak pa rin ako habang sinasabi yan.
Hinawakan ko na ang doorknob at dahan dahang pinihit at tuluyan na itong binuksan.
Nakita ko siya, ang anak kong si Vince, kakambal ni Atalia, nakahiga sa kama at may nakakabit na life support sa katawan niya.
Lalo akong napaiyak ng makita ko ang mukha niya.
Agad ko siyang linapitan at hinawakan ang kamay niya.
"Anak, andito na si Mommy." Napaluha nanaman ako.
Para siyang mahimbing lang na natutulog pero ang totoo ay nahihirapan na siya.
1 year old sila ni Atalia nung biglang mag-collapse si Vince.
Ang sabi sakin ni Atalia ay hinihingal daw ang Kuya niya kahit hindi naman sila nagtakbuhan at yun ang sinabi ko sa Doctor.
Matapos ang ilang test na ginawa kay Vince ay napag-alaman ng doctor na nahihirapan daw huminga si Vince.
Mabilis daw mawalan ng hangin ang bata kaya bigla itong nag-collapse.
Nung nalaman ko yun ay agad kong sinabi sa Doc na healthy naman si Vince nung ipinanganak ko.
Sabi naman ng doctor hindi daw yun agad malalaman kung may ganoon siyang kumplikasyon dahil pag nagsimula raw lumaki ang bata doon na daw yun lumalabas at parang simpleng hingal lang pero delikado daw iyon.
Mabuti daw at nasa labas ang bata at may hangin nung nag collapse kaya hindi ito tuluyan nawalan ng hininga.
Naging maayos si Vince pagkatapos ng ilang paggamot sakanya pero madalas talaga na lagi siyang hinihingal hanggang sa dumating ang araw na na comatose siya.
Doon ako sobrang nasaktan at nung mga oras na yun ay hindi ko alam ang gagawin ko non.
Ang sabi ng doctor ay humina na ng tuluyan ang lungs at ang puso ng bata kaya nacomatose ito.
Buti nalang at nandoon si Yael at siya ang tumulong sakin para bumangon at wag mawalan ng pag-asa.
Ng umabot ang isang taon at hindi pa rin siya gumigising ay napagpasyahan ko na dalhin si Vince sa pilipinas para si Mom and Dad nalang ang umasikaso sakanya.
Ang Mom at Dad ko ay parehas doctor kaya alam kong kaya nilang gamutin si Vince. Kilala si Mom and Dad sa ibat-ibang bansa dahil na rin sa galing nila bilang doctor.
Pero lumipas ang mga araw hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Sinabihan na ako ni Dad and Mom na sumuko na at bitawan ko na si Vince para hindi na daw lalo mahirapan si Vince pero hindi ako pumayag, masakit sakin ang mawala kahit isa sa mga anak ko.
"Anak, I'm sorry. Alam kong nahihirapan ka na pero hindi kita kayang bitawan. Mahal na mahal kita baby." sabi ko habang hawak ang kamay niya..
"Anak, please gumising ka na. Miss ka na namin ni Atalia."
Sobra akong nasasaktan sa pinagdadaanan niya
Ipinagdarasal ko lahat sa diyos, at lagi kong tinatanong ano ba ang ginawa kong kasalanan para parusahan ako ng ganito.
Pero kahit na ganon hindi ko sinisi ang diyos sa lahat ng nangyayari.
Iyak lang ako iyak habang paulit-ulit na nagsosorry sakanya.
"Karylle, tahan na..." Anne, naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Anne.
"Kung gising lang si Vince, hindi niya gugustuhin na makita kang ganyan." Anne.
Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Anne, sana nga gising nalang siya.
Nang humupa na ang aking luha ay sinamahan ako ni Anne sa kwarto.
"Karylle..." Napatingin ako kay Anne.
"Hmm?"
"Okay ka na ba?"
"Oo okay na, hindi ako mawawalan ng pag-asa."
"Karylle, I know this will sound ridiculous but ano kaya kung ipaalam mo na kay Vice yung sa mga anak niyo, baka sakaling magising si Vince pag naramdaman niyang nandyan ang Dad niya."
"Hindi pwede, nandito naman ako, so anong ibig mong sabihin? Na hindi ako sapat para sa mga anak ko at kailangan pa yung lalaking yun. Ganon ba?" Napasigaw na ako.
Agad namang lumapit si Anne sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi yan ang sinasabi ko, ang sinasabi ko lang baka kung sakaling buo na kayo at maramdaman yun ni Vince e magising siya. You know like a miracle." Miracle? It's not even true
"Hindi totoo yun, Anne. Magigising siya kahit na wala si Vice, naniniwala ako. Hindi maaaring malaman ni Atalia at Vince na ang Daddy nila ay si Vice." Sabi ko.
"What? Daddy Vice is my Dad? Mommy what do you mean?" Napatingin kami sa may pinto at nakita namin si Atalia na may hawak na unan at nakahawak sa doorknob ng pinto
Shit!
Joanne's POV
"Hon, dito ka na matulog." Sabi ko kay Vic.
Nandito kami sa bahay ngayon, kakatapos lang ng dinner.
Ngayon nandito na kami sa sala, kumakain ng dessert na dalawa.
"Please?" Tanong ko ulit kay Vic.
"No."
"Tsk, bahala ka nga. Umuwi ka na pagkatapos mong kumain ng dessert." Sabi ko saka tumayo at akmang aalis ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila payakap sakanya.
"Hon, marami pa akong gagawing paper works at kailangan ako nina Dad sa bahay. Naiintindihan mo naman diba?"
Sabi niya saka ako hinalikan sa noo."Okay, pasalamat ka mahal kita. Hayyy, sige ingat ka sa daan a." Sabi ko nalang.
Lagi naman niya akong pinagbibigyan sa lahat ng gusto ko e kaya okay lang.
Inihatid ko siya sa may gate, "Ingat ka a, I love you." Sabi ko.
"Oo sige, babye." Pagkasabi niya non ay sumakay na siya sa kotse niya at umalis.
Teka? "Hoy! Yung I love you too ko?!" Sigaw ko kay Vic pero wala na siya.
ASAR!
-
A/N: Hi Guyssss! Sorry ngayon lang nag update! hahaha peace, enjoy! Nga pala kung may tanong kayo kay Vice o kay Karylle o di kaya sa ibang Characters, mag send lang kayo ng message sakin. Vote and Comment guys!