Chapter 21

43 6 2
                                    

"Ugh! Babe, mamaya ka na kasi bumangon. It's fucking 6am. Come on, let's get some more sleep." Pagrereklamo ni Lucas sa tabi ko nang matapos kong patayin ang alarm sa aking cellphone. Pinulot niya ang matigas niyang braso sa aking katawan upang pigilan ako na makaalis ng kama.

"Hindi pwede. Madami akong kailangan asikasuhin sa school. Alam mo naman na Foundation day na bukas. Pwede ka naman matulog pa tutal mamaya pa naman pasok mo." Muntik na ko matawa sa pagmamaktol niya na parang bata nang tuluyan kong naalis ang braso niya sa akin. Agad kong kinuha ang tuwalya kong nakasabit sa likod ng pinto at dumiretso na sa bathroom upang maligo.

Nakabalik na nga pala kami ng Pilipinas. At officially na ding kami ni Lucas. So far, everything is going great between us. Malaki na din ang pinagbago ni Lucas simula nang makabalik kami mula Italy. Mas naging sweet, loving at syempre makulit siya. Kung iniisip niyo kung babaero pa din ba siya? Surprisingly, not anymore.

Kahit na siya na mismo ay binibigyan niya ko ng access sa phone niya, pinili ko pa din na wag iyon buksan dahil alam ko na privacy niya iyon. Sapat na sa'kin yung pinapakita niyang effort para sa relasyon namin halos araw araw. Sobrang na-appreciate ko din ang ginagawa niya na pagbigay ng assurance sa akin para hindi ako magalala tungkol sa past niya. Pero sa totoo lang? Hindi naman na talaga ako nabo-bother tungkol sa mga naging babae niya before magsimula ang mutual feelings between sa amin, I guess may part na sa'kin na napaisip ako na kung mange-entertain pa din siya ng ibang babae o ipagpapatuloy niya yung nakasanayan niyang gawain noon, e choice niya na yun. At least kung mangyari yun edi nabigyan niya ko ng rason para pigilan yung sarili ko na tuluyang mahulog sa kanya.

Nakakatuwa at nakakakilig kasi hindi ko inakala na capable siya maging ganito. Hindi ko talaga inakala, I mean, hindi namin lahat inakala na magagawang maging fully committed siya sa'kin o sa relasyon naming dalawa. It was beyond my expectations. Kasi isipin niyo, noon palaging laman ng social media si Lucas sa tuwing nababalita na iba na naman ang babaeng kinikita niya. Tsaka minsan ko na din nasaksihan ang ganon pangyayari noon.

Hindi ko na tinagalan sa pagligo at paglabas ko ng bathroom ay nadatnan ko ang shirtless na boyfriend ko na nakadapa pa at tulog sa kama ko. Hayaan ko na muna siya matulog. Hindi ko kasi alam kung anong oras niya na ko tinabihan kagabi dahil nauna na ko nakatulog sa pagod kakaasikaso para bukas at kasabay ng pagaaral.

Halos gabi-gabi na siyang natutulog dito sa apartment. Siguro mga tatlo o apat na beses sa isang linggo siya dito. Hindi naman sa ayaw ko siya dito. Syempre gusto ko na nandito siya kasama ko. Pero minsan kasi kung hindi ako pagod sa pagaaral ay pinapagod niya naman ako sa paraan na alam niyo na yun. I sometimes I would think that we're getting too sexually active.

Kaya napilitan ako na mag-take ng contraception pills dahil may mga gabi na ayaw niya o nakakalimutan niya gumamit ng condom. Kaya isang beses nagpasama ako kay Ate Eva sa OB na kilala at trusted niya para magpa-consult ako sa kung anong contraception pills ang dapat kong i-take. Kahit naman 'di ko sabihin sa kanya ay alam niya na ang nangyayari kaya siya na mismo nag-offer na dalhin ako doon.

I honestly think that it's better na mag-pills nga ako. Delikado din kasi at baka mamaya ay makabuo kami ni Lucas nang wala sa oras.

I used to ask him kung ganon ba talaga siya kahit sa ibang mga naging babae niya noon. Ang sabi niya hindi daw. Hindi daw siya pumapayag o hinahayaan na makipag-sex na walang protection noon. Ngayon lang daw talaga. Naniwala naman ako syempre. May tiwala ako sa kanya.

Pagkabihis ko ay bumaba agad ako para puntahan si Yaya Linda. Panigurado nasa kusina na yun para magasikaso.

"Good morning, yaya! Ako nalang po maglu-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang kasalukuyang nagluluto sa kusina. "Mommy! Ba't naparito kayo?" May halong kaba na tanong ko sa kanya.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon