CHAPTER 12

95 6 2
                                    

"Mom! Dad!" 

Nilapitan agad ni Ate Eva ang magasawa na kakababa lang ng itim na kotse makalabas kami. May mga kasama din silang mga kalalakihan na nakasuot ng itim na suit at lahat sila may mga earpiece sa kanang tenga nila.

Niyakap niya ito at hinalikan pareho sa pisngi.

Si Kuya Chase naman ay niyakap din sila at hinalikan din ang babae sa pisngi. Sila ang magulang ni Kuya Chase? They look so young! Para lang nasa mid 30's or 40's ang edad nila. Mas mapagkakamalan mo pa sila na kapatid o kamaganak ni Kuya Chase kesa sa magulang e.

Maganda ang nanay niya. Kutis porselana at matangkad. Ang ama naman nito ay halos xerox copy lamang ni Kuya Chase ngunit may makapal na facial hair.

"You look beautiful, Eva." Aniya ng nanay ni Kuya Chase.

"Thank you, mom. Namiss ko po kayo."

"We missed you too, hija."

Bumaling sa amin si Ate Eva atsaka tumango. Senyas na yun sa amin ni Ate Laura na lumapit kami kasama ang kambal. Umangat ang kilay ng mga magulang ni Kuya Chase sa pagtataka kung sino ang mga bata na bitbit naming dalawa.

"Who are these adorable babies? Are they your younger siblings, Eva?"

"Mom, dad." Mahina na tawag ni Kuya Chase. "Anak po namin sila."

Tumawa lamang si Mrs. Ross. Samantalang ay nakatingin lamang ang ama nito sa kanya. "C'mon, son. You must be joking, right? I thought you said-"

Kusa akong lumapit sa ina niya para ibigay si Hunter sa kanya. Ilang saglit lang na pagtingin sa bata ay napaluha na ito.

"He looks exactly like you, Christian. Conrad, may mga apo na tayo! I can't believe it! Buhay ang mga apo natin!"

Samantalang ay tulala pa din si Mr. Ross habang nakatitig sa kambal. Mahina pang natawa si Ate Laura dahil sa reaksyon niya kaya mahina niyang tinapik ang balikat nito.

"Tito, baka matunaw ang mga apo mo niyan. Hindi ba ito ang gusto niyo ni tita noon pa? Ang magkaroon kayo ng apo mula kay Chase at Eva?"

"I know that, Laura. B-But hindi ba sinabi ni---"

"I'll explain everything later, dad." Nakangiting sabi ni Ate Eva at pumasok na ulit kami sa loob ng mansyon. I mean, sila. Nagpaiwan ako kasi alam ko na mahaba haba ang mangyayari na paguusap nila. Besides, magkakapamilya sila, so I think it's better if I get to walk around while they're all inside.

Mas lalo kong nakikita kung gaano kalawak ang garden nila dito. 'Di ko alam kung ilan klaseng mga halaman at mga bulaklak ang nandito dahil sa sobrang dami. May iilan ding mga paru-paro na lumilipad sa paligid kaya mas ginanahan ako na manatili dito.

Buti nalang may nakita akong bench dito kaya makakatambay muna ako. Sa tabi nun ay may pond at nakita ko na may mga Koi fish ang lumalangoy doon. Pumikit ako at huminga ng malalim habang dinadama ang tahimik na kapaligiran. Mas lalo ako na relax sa amoy ng paligid.

Dapat pala nagdala ako ng libro bago pumunta dito para may libangan ako kahit paano. Ang ganda kaya magbasa sa tapat ng napakagandang view na 'to. Atsaka ang sarap din sa pakiramdam habang nagbabasa ka sa ganitong klaseng lugar. Imagine, you're reading one of your favorite novels in front of these beautiful flowers while different colors of butterflys were flying above them.

"Bakit magisa ka lang dito?" Muntik na ko mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sa gilid ko si Ate Laura.

"Alam ko kasi na kailangan niyo ipaliwanag sa mga magulang ni Kuya Chase yung nangyari. Aside from that, gusto ko din malibot 'tong mansyon nila." Paliwanag ko. Tumango naman siya sa'kin at tumabi sa bandang kanan ko.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon