Chapter 17

36 4 0
                                    

"Here, wear this! This definitely will look stunning on you." Chloe cheerfully said as she hands me a black sexy looking dress from her huge closet. Kumikinang iyon kapag natatapatan ng ilaw. Nandito na kami ngayon sa bahay nila. Magiisang oras na din nang makarating kaming dalawa dito.

May pagtataka ang aking mukha nang kunin ko iyon mula sa kanya. "Bakit? Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Secret. Basta we're gonna be having so much fun tonight!"

Mukhang 'di ko din naman siya mapipilit na sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Akala ko kasi dito lang talaga sa bahay nila kami magce=celebrate ng birthday niya. Pero pagkaalis namin sa school kanina, kaming dalawa lang ang nagpunta dito at 'di kasama sila Chad at yung iba naming mga kaibigan.

Ayun pala bago pa matapos ang klase ay sinabihan niya na sila na umuwi muna sa kanila para makapagbihis. Hindi daw pwede na naka school uniform kaming lahat sa pupuntahan namin.

Nang magpaalam muna siya saglit na lalabas dahil may kukunin lang daw siya sa baba, napagpasyahan ko naman nang magbihis. The dress does look stunning. May pa slit siya sa kanang legs ko at yakap na yakap siya sa katawan ko. Pagtalikod ko habang nakatingin pa din sa malaking salamin ni Chloe dito sa kwarto niya, nakita ko ang pagka-exposed ng balat ko sa likod.

"O my God!" Chloe exclaimed as she returned back. Pinatong niya agad yung curl at flat iron sa kama niya para lapitan ako.

"Oh, ba't hindi mo pa tanggalin yung bra mo? Don't tell me na susuotin mo yan tapos kitang kita strap ng bra mo?"

"Eh wala naman akong dala na strapless bra."

"Wait lang. Meron akong solusyon dyan. Alam ko meron akong extra dito e."

Bumalik siya sa vanity table niya at naghalungkat sa drawer niya. May nakuha siya doon na isang maliit na box at inabot iyon sa'kin. Silicone nipple cover. Bago pa iyon dahil may tape pa yung mismong box. Inun-hook ko muna yung brassiere ko sa likod tapos binaba yung strap sa kabilang gilid bago ko hugutin.

Pagkabukas ko ng box, tinanggal ko ang plastic na nakadikit sa dalawang silicone pad, at inilagay ko sa magbilang dibdib ko. That looks good. Mananatili naman itong nakadikit sa balat ko dahil gawa naman iyon sa silicone at may konting lagkit.

"Upo ka na dali para maplantsa ko buhok mo! Ang ganda mo, Sammy!" Papuri ni Chloe.

"Salamat. Ikaw muna ayusan ko. Ikaw yung may birthday ngayon."

"Mas excited ako na ayusan ka kesa ayusan ko sarili ko. Ang ganda mo na kaya kahit 'di ka pa naaayusan."

Tumatawa pa siya nang hilahin niya ko para paupuin sa tapat ng vanity table niya. Sinuklayan ko muna yung buhok Ko para mawala yung tangled hairs. Tapos gamit ang hair clip ay tinali niya muna yung karamihan ng buhok ko para mai section iyon.

May ini-spray muna siya sa buhok ko. Sa tingin ko heat protection spray yun.

"So, kamusta naman kayo ni Ross?" Tanong niya habang pinaplantsa ang buhok ko.

Sino pa ba ang tinutukoy siya 'di ba?

"We're fine."

Nakita ko ang pagngisi niya sa salamin. I know that smile.

"Seems like nagkakamabutihan na kayo. Why don't you invite him tonight?"

"Wag na. Baka busy din yun."

"Ohh. So, 'nasa updating to each other' stage na kayo?" Mas lumawak ang ngisi sa mga labi niya at parang nagpipigil na din siya ng kilig.

"Magkaibigan lang kami. Atsaka natural lang na nagco-communicate kami dahil nakakasama ko sila minsan lalo na sila Ate Eva." Paliwanag ko. Tumango tango naman siya sa sinabi ko at nagdagdag ng konting buhok ko para plantsahin din. May konting usok ako nakikita mula doon.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon