Nagising ako sa isang kwarto na 'di ko alam kung kanino. Napaupo ako bigla. Hala! Nasaan ako? After few seconds na paglibot ng paningin ko sa paligid naalala ko na nasa mansion nga pala ako ng mga Ross.
Hays. Nakatulog na pala ako kagabi. Pagkatapos kasi sabihin ni Lucas sa harapan naming lahat na simula ngayon babantayan at po-protektahan niya na ko ay nanatili kaming lahat sa baba at pinagusapan lahat ng nangyari kay Ate Eva.
Hindi lang yun, pinaliwanag niya din sa'kin lahat ng tungkol sa mga demonyo. Ang angkan ng buong Ross ang kinikilalang pinakamalalakas na demonyo sa lahat. At si Kuya Chase naman ay pinili na bagong pinakamalakas na demonyo sa henerasyon ngayon. Gets niyo? Hays..
May isa pa daw silang pinsan. Tyler Ross ata ang pangalan. Ang rival ni Kuya Chase. Isa daw siya sa mga dahilan kung bakit minsan na nasira ang relasyon nila Ate Eva at Kuya Chase noon. Sa sobrang desperada na makuha ni Tyler si Ate Eva, humingi siya ng tulong sa isang babae na may gusto naman kay Kuya Chase. So, they had a deal that they'll help each other in other to break them up. Tyler wants Ate Eva because he loves her. And the other woman wants Kuya Chase because she also loves him.
Perfect two talaga silang dalawa. Parehong desperada at desperado eh.
So ngayon, 'di alam ni Tyler ang tunay na nangyari kay Ate Eva. Ang alam niya lang ay nabuhay siya pero 'di niya alam na hindi na siya tao. Naiintindihan ko si Ate Eva na gusto niya maghigante para sa nawalan nilang anak ni Kuya Chase. Kaya kinailangan niya makipagrelasyon kay Tyler. Nakakatakot si Ate Eva nung sinabi niya na hindi siya titigil hangga't 'di niya napapatay lahat ng sumira sa buhay niya.
"Good morning.." Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiting pumasok si Ate Eva kasama si Ate Laura sa likod niya.
"Good morning din, Ate Eva at Ate Laura." I slowly rubbed my eyes and brushed my hair backwards with my fingers.
"May mga nakahanda nang extrang damit para sayo sa loob ng bathroom. Hintayin ka namin sa baba para sabay na tayong lahat na mag-almusal."
"Ahh sige. Salamat, Ate Eva."
"You're welcome." Ngumiti silang dalawa sa'kin atsaka lumabas muli.
'Di ko napigilan na mapangiti. Ang babait talaga nila sa'kin. Lalo na si Ate Eva. I think she's the kindest person I've ever met. Hindi nakakapagtaka kung bakit mahal na mahal siya ni Kuya Chase. Jackpot talaga siya kay Ate Eva. Maganda, mabait, mayaman, sexy, matalino. Gosh, she's just perfect.
Bumangon ako sa kama at agad niligpit ang kama na hinigaan ko. Una kong ginawa ay yung pagayos sa mga unan at pinagpagan tapos sinunod ko yung kumot. Hindi na ko nagsayang ng oras at agad na din ako dumiretso sa bathroom para maligo ng mabilis.
As usual, nakahanda na lahat ng gagamitin. From toiletries to my clothes. May lamesa sa gilid at nandun yung mga damit na tinutukoy ni Ate Eva. Maayos lahat iyon na nakatupi. O my God! Naghanda din ng bagong sandals si Ate Eva? Alam kong bagong iyon dahil halata naman sa itsura na hindi pa nagagamit. Medyo may takong iyon pero hindi naman kataasan.
Sa huling pagaayos ko ng sarili ko sa tapat ng salamin ay bumaba na ko. Nadatnan ko sila Ate Eva sa kusina na nagluluto. Hmm.. Ang bango. O god, mas lalo ata ako natatakam sa amoy palang ng niluluto ni Ate Eva.
"Ano maitutulong ko, Ate Eva?" Tanong ko nang napansin niya na ang presensya ko.
"Hm.. Balatan mo nalang yung mga patatas sa lababo. Ang tagal ni Bestie e."
Sinunod ko kaagad yung sinabi niya. Lumapit ako sa tapat ng lababo at hinugasan isa isa yung ilang patatas na nandoon bago ko binalatan.
"Sabi na nga ba at magbabagay sayo yung mga damit na pinili ko para sayo e." Usal niya habang tinitignan ang kabuuan ko.
BINABASA MO ANG
The Casanova Demon
Novela Juvenil[ROSS Series #2] Samantha Delos Reyes is not just a typical girl with a pretty face. She's a Student Council President of Blackwood University. Many guys don't just admire her beauty but also her incredible intelligence. Lucas Ross, is known as the...