CHAPTER 9

195 13 4
                                    

Nangilid ang mga luha sa aking mga mata sa takot. Nakatakip ang mukha niya at nakasuot ito nang leather gloves. Sa gitna ng kadiliman ay kitang kita ko ang maliwanag niyang mata. Ngunit iba ang kulay nang mata nito.

Kung pula ang mata nila Lucas. Kulay dilaw naman ang mata niya. Sinubukan kong manlaban ngunit 'di ko kaya dahil sa kakaibang lakas nito. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko at ipinako niya ito sa itaas ng aking ulo.

"Subukan mong sumigaw, at mabilisan kong sisipsipin ang lahat ng dugo sa katawan mo." Banta nito. Mas nanginig ang buong katawan ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking pisngi. Inaamoy niya ang hibla ng aking buhok pababa sa aking leeg.

Tahimik akong mapahagulhol ako sa takot nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

"You smell sweet." Bulong nito sa aking tenga. Mariin kong pinikit ang mga mata ko sa takot dahil bigla nito dinilaan ang aking leeg.

Lucas.. Please help me...

"I bet your blood also taste sweeter." Tinanggal niya ang kanyang face mask dahilan para makita ko ang talas ng ngipin nito. Pwersa niyang tinagilid ang aking ulo upang makita pa lalo ang aking leeg. Akmang kakagatin na niya ako nang sipain ko ang kanyang pagkalalaki at buong lakas ko siyang tinulak.

"LUCAS!!!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo palapit sa pinto. Hindi ko pa nahahawakan ang handle nang biglang may humila na sa buhok ko.

"Samantha?!" Narinig ko ang ilang beses niyang pagpihit sa handle ngunit 'di iyon nabukas dahil nalock. "Samantha!! Anong nangyayari dyan?!"

"LUCAS TULUNGAN MO K—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko at isang malakas na sampal ang naabot ko mula sa lalaking imortal kaya napahiga ako sa sahig. "You asked for this. Now I have no choice but to kill you!"

"AHHHH!!!!!" Malakas kong sigaw nang kagatin niya ko sa leeg. Biglang narinig ko ang pagwasak sa aking pinto at kasabay nun ay nawala ang bigat sa aking ibabaw.

Nanlalabo ang paningin ko ngunit sa tanging anino na nakikita ko, alam kong si Lucas iyon. I heard how his voice changed into a loud growl. My sight were too blurry to see what's happening. My hands were shaking as I gently held my neck. Even if I couldn't see a thing through this dark, I knew I was bleeding.

Dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata ko pero naimulat ko din saglit nang umangat ako nang konti mula sa sahig dahil sa matigas na braso na sumusuportado sa likod ko.

"Samantha, wake up. Stay with me." He plead. Nawala ang takot ko nang makita ko muli ang pulang mata niya. Those red eyes are better than those yellow eyes I saw. Basa ang kamay niya nang dumapo iyon sa aking balat. 'Di ko alam kung bakit iyon basa sapagkat hindi ko na iyon pinansin.

"Wag kang pipikit! Please.. Goddammit!!" 'Di ko alam kung imahinasyon ko lamang ba o talagang mabilis na lumabas si Lucas. Malabo na ang paningin ko ngunit may nakikita akong liwanag. Wala na kami sa kwarto. Nakarinig ako ng pagpunit ng tela tapos nilagay niya iyon sa aking leeg. Patagal ng patagal ay pahirap ng pahirap ang paghinga ko. Mas lalo siya nagalala sa sitwasyon ko dahil humihigpit din ang kapit ko sa damit niya.

"Hold on. Parating na sila. Please, wag kang pipikit." Pagmamakaawa niya. Gustuhin ko mang sundin ang sinasabi niya ngunit kusang sumasara ang aking mata. Alam ko sa sarili ko na ginagawa ko na ang lahat para lang wag pumikit. Natatakot ako baka hindi na ko magising.

"Samantha? Samantha! Don't cl—" Hindi ko na narinig ang susunod na sasabihin niya dahil tuluyan nang bumigay ang katawan ko dahilan para tuluyan na din nandilim ang paningin ko.

The Casanova DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon