Gusto ko matawa sa kaba nang ibunyag ni Lucas ang tungkol sa relasyon namin sa harap ng maraming tao. Jusko, parang nanghihina bigla mga tuhod ko. Nakita ko pa ang paglaglag ng panga ng ibang tao nang marinig nila iyon mula kay Lucas.
"Girlfriend?" Nakita ko ang pagiba ng tingin niya sa parang pagkabahala. "Of course, she's innocent. A notorious playboy like yourself find innocent girls like Samantha very thrilling. I supposed you got bored of the usual girls you date."
Kumuyom ang kamay ni Lucas sa sinabi ni Blake. Pero hindi niya pinakita sa expresyon niya iyon. Nanatili siyang nakangisi ngunit may kahulugan pa din sa likod ng ngising iyon. That smirk that you don't always see. And that what worries me.
"You know nothing, bastard. So, its better to shut the fuck up." May diin ang tono ng boses niya sa dulo.
"Oh, I know everything." Pagkatapos like lumipat sa akin ang tingin niya. Bigla naman naiba at naging malumanay ang tingin niya sa'kin. "I thought you were smart, Sam. Bakit sa dami ng lalaki at siya pa?"
"I told you to shut up. Wag mo kong hintayin mapuno." Akmang hahakbang na siya palapit kay Blake pero bago pa siya makalayo ay hinigpitan ko ang pagkakayapos sa kanya upang pigilan. Ayoko na magkagulo dito.
"Kuya, tara na. Pwede pa naman natin siya makausap sa susunod. Wag ngayon at wag dito." Sabi ni Melissa sa kapatid niya habang marahan na tinutulak sa dibdib. Tumayo pa ito sa gilid niya upang harapin siya.
"Wala akong pakielam sa iniisip mo, Blake. Tama ang kapatid mo, mas mabuti pang umalis na kayo." Sagot ko pabalik.
"Totoo? Girlfriend ni Lucas yan?"
"Siya na mismo nagsabi e. Siya yata yung SC President dito."
"Akala ko ba sila ni Stella? Yung SC President sa WSU. Mas maganda pa naman yun."
Narinig ko ang mga samo't saring bulungan mula sa mga babae sa paligid namin. Ayoko ng ganito. Nahihiya ako na naiiyak sa pago-overthink sa nangyayari. Alam ko naman na ganito ang magiging reaksyon ng mga tao. But, it's still overwhelming. Pa-simple kong hinila ang dulo ng damit ni Lucas bilang signal na umalis na kami. Nanatili ang ngisi niya saglit kay Blake bago siya bumaling sa'kin.
"Please. Tara na, Lucas." Sabi ko sa isip ko. Alam kong mababasa niya ang iniisip ko. Tinalikuran nalang namin ang dalawang magkapatid at hinarap naman ang mga pinsan nito kasama si Ate Eva.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ate Eva sa'kin. Tumango lamang ako at pilit na ngumiti sa kanila. Pagtingin ko sa harap, nakita ko si sila Chloe at Chad na may hawak na inumin sa kamay niya na kakabili niya lang para sa amin. Sa itsura palang ng expresyon nilang tatlo? Halatang nagulat sila. Pero iba yung dating kay Chad. Para siyang pinaghalong nasaktan at galit. Lalagpasan sana namin sila ngunit humarang si Chad sa amin.
"Back off." May halong pagbabanta sa tono ni Lucas.
"Make me, Ross. You just made a mistake for stepping here."
"Pwede ba tumigil kayong dalawa? Kaaga aga gusto niyong gumawa ng gulo dito. Madaming tao dito oh." Suway ni Ate Eva sa kanila nang tumayo siya sa gilid nilang dalawa upang pigilan.
"If you want to guard and follow Samantha like a goddamn dog, then go ahead. We're not gonna stop you doing that. We're not here for trouble, Gomez." Dagdag pa niya at binigyan ng sama ng tingin si Chad.
"Tol, kumalma ka. Maraming nakatingin sa atin. Mukhang wala naman silang masamang balak dito." Singit ni Francis at sinubukan na ipaglayo silang dalawa. Tinignan niya ang paligid namin. Madami nga nakatingin sa amin. Nakakahiya dahil malamang nararamdaman din nila yun tensyon sa pagitan nila Lucas at Chad ngayon. Baka maging usap usapan pa 'to kung saan saan kung hindi sila papaawat. Nakita ko ang paghinga ng malalim ni Chad atsaka siya humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
The Casanova Demon
Teen Fiction[ROSS Series #2] Samantha Delos Reyes is not just a typical girl with a pretty face. She's a Student Council President of Blackwood University. Many guys don't just admire her beauty but also her incredible intelligence. Lucas Ross, is known as the...