"I hate repeating myself, dumbass. If I were you, I'd let go of her and run for my life." Tapos ngumisi siya. Lumapit siya sa amin tapos nang tumigil siya sa harapan ko marahas niyang tinanggal ang kamay ng lalaki mula sa pulso ko.
"P-Pasenya na. 'Di ko alam na may kasama pala siya, tol." Natatakot niyang sambit atsaka kumalipas ng takbo palayo. Narinig ko siyang napabuntong hininga bago niya ko hinarap. I felt my heart pounding as our eyes met.
"It's nice to see you again, Samantha." He deeply said and then smiled at me. Damn. He really looks good. Para akong matutunaw sa ngiti niya e.
"Anong ginagawa mo dito, Lucas?" Tanong ko sa kanya. Napalitan ng ngisi ang kaninang nakangiti niyang labi. Napaatras ako nang humakbang siya palapit lalo sa'kin hanggang sa naramdaman ko sa likod ko ang shelves ng mga libro.
"Is that how you say 'thank you' after I saved you twice?"
'Di ko napigilan na umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya makipagtitigan sa kanya ng matagal lalo na kapag ganito siya kalapit sa akin. Parang kakaiba yung nakikita ko sa mga mata niya. Obviously, may kakaiba talaga sa kanya at alam ko yun pero may iba pa ko nakikita na hindi ko ma-describe kung ano iyon.
"Can we talk?" He asked.
Aren't we already talking?
"Y-Yeah sure."
"I mean, in private. I don't want other people to hear us talking here."
Tinignan ko siyang mabuti habang hinihintay niya ang sagot ko. Mukha namang gusto niya talagang makipagusap pero tungkol naman saan? Tungkol kaya sa pinagusapan namin nila Ate Eva? Or is it something else?
I guess we have to find out once we talk later.
"Sige. Saan ba?"
He smiled. Again. "I'll call you."
"Sam, okay na. Nakabili na ko ng mga kailangan ko." Singit ni Chloe. Nakita ko sa braso niya yung paperbag na may laman ng mga kakabili niyang supplies. "Anong ginagawa mo dito?"
"Uhh.. May kausap la—" Pagtingin ko sa harapan ko wala na si Lucas. Nasaan na yun? Nandito siya kanina ah?
"Kausap? Sino naman?" Nagtatakang tanong ni Chloe.
"Si.. Si mommy. Yeah, si mommy ang kausap ko sa phone. Tumawag kasi siya habang tumitingin ako ng mga libro dito." Napakamot ulo nalang ako at pilit na ngumiti para hindi niya ko mahalata. Sumunod na ko kay Chloe palabas ng Book Store pero nakakailang hakbang palang ako ay 'di ko napigilan na tumingin muli sa likod ko.
He's fast..
Paano niya ko tatawagan? Eh wala naman siyang number ko at wala din akong numer niya. Hays bahala na nga siya. Hinatid ko muna si Chloe sa bahay nila tapos nag-drive na ko pauwi sa apartment ko.
Pagtingin ko sa cellphone ko, nakita ko lang ay mga text galing kay mommy pero wala ni isang text messages or missed calls galing kay Lucas. Aish! Bakit ko ba siya hinihintay? Baka nga trip lang ako nun.
Nang makapasok na ko sa loob ng apartment ko, muntik na ko mapatalon sa sobrang gulat nang buksan ko yung ilaw at makitang nakaupo si Lucas sa sofa.
"Hi." casual na bati niya. Ganon pa din yung suot niya kanina at komportable siyang naka di-kwartro na nakaupo sa sala ko.
BINABASA MO ANG
The Casanova Demon
Teen Fiction[ROSS Series #2] Samantha Delos Reyes is not just a typical girl with a pretty face. She's a Student Council President of Blackwood University. Many guys don't just admire her beauty but also her incredible intelligence. Lucas Ross, is known as the...