Samantha's POV
It's been three days since the traumatizing incident. I'm feeling much better now. Pero may patch pa din yung leeg ko dahil hindi pa tuluyang humihilom ang kagat sa'kin.
Pinaliwanag na din sa'kin ni Ate Eva ng maayos na hindi isang demonyo ang umatake sa'kin kundi isang bampira.
That explains why his eyes were different from what I knew. Kapag kulay pula daw ang mata, panigurado demonyo daw iyon. Pero kapag dilaw, bampira.
I couldn't believe that vampires do exist. I thought that they only exist on books or movies but never in real life.
The world really is full of mysteries, huh?
"Are you done packing?" Lucas asked as he entered my room. Dito pa din ako nananatili sa mansyon ng mga Ross dahil sa kagustuhan nila Ate Eva para daw mas mabantayan nila ako. Sobrang na appreciate ko ang concern nila sa'kin. Tinuturing talaga nila akong parte ng buhay nila lalo na ng pamilya nila. Sobrang welcoming ang ginagawa nilang effort sa'kin dito e.
I nodded.
"Yup. Just on time." Lumapit si Lucas sa'kin atsaka kinuha ang maliit na maleta ko. Oo nga pala, pupunta kami ng Italy ngayon dahil birthday ni Kuya Chase sa susunod sa araw. Walang kaalam alam si Kuya Chase na pupunta kami ng Italy ngayon araw dahil sa kagustuhan ni Ate Eva na supresahin ito.
Nung una, tumanggi ako sa kanya at sabi ko na hindi na ko sasama dahil nahihiya ako ngunit pinilit nila ako para daw mabantayan din nila ako. Masyado pa daw kasing delikado kung magpapaiwan ako.
Kaya ayun napapayag din nila ako. Nagpaalam na ako kahapon kay mommy at sinabi ko na din sa kanya na dito ako sa mansyon ng mga Ross nakikituloy pansamantala. Akala ko magtatanong siya ng magtatanong ngunit hindi. She seems happy knowing that I'm staying here with my friends. Pero nagbilin pa din siya na magingat ako at ayain sila Ate Eva na kumain kami sa resto ni mom sa susunod.
"Bahala ka kung ayaw mo sumama. Edi kaming lima nalang!" Rinig ko na sigaw ni Ate Laura kay Kuya Chase. Nakabukas kasi ang pinto sa kwarto ni Kuya Chase kaya kitang kita namin sila.
"Saan ba kasi tayo pupunta at nagmamadali kayo!?" Naiirita nitong tanong.
"Sa Italy nga! Kasama natin si Bestie papunta doon!"
Natawa ako sa itsura ni Kuya Chase nang dali-dali siyang pumasok sa Walk-in-closet niya. Paglabas niya may bitbit na itong maleta tapos pinatong niya ito sa kama atsaka binuksan para paglagyan ng mga damit niya.
"Bakit hindi niyo sinabi?! Shit! Baka naghihintay na si Scarllet!" Natawa muli kami sa sinabi niya. Wala si Ate Eva dito dahil nagpunta na siya sa bahay niya. Sa pagkakaalam ko dadaan muna kami doon para sunduin si Ate Eva atsaka kami babyahe papuntang airpoint.
"Dalian mo na. Susunduin pa natin si Bestie sa bahay niya tapos dederetso na tayo sa airport."
Narinig pa namin na nagmura ulit si Kuya Chase. This time mas mabilis na siya kumilos. Literal na mabilis. Parang The Flash lang. Nauna na kami ni Lucas na bumaba. Nasa sala na yung maleta niya at sinabay niya na din iyon para maisakay sa likod ng kotse.
Tahimik lang si Lucas habang pinapanood ko siya na isakay sa likod ng kotse ang maleta naming dalawa. Gusto ko siyang pasalamatan dahil sa pagligtas niya sa'kin. Dapat nung isang araw ko pa siya napasalamatan ngunit ngayon ko lamang siya nakita. Wala kasi siya dito nung mga nakaraang araw.
Hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta at ngayon lang siya nakabalik. Maski sila Ate Laura ay walang kaalam alam kung saan siya galing. Gusto ko naman siya tawagan pero nahihiya ako e.
BINABASA MO ANG
The Casanova Demon
Teen Fiction[ROSS Series #2] Samantha Delos Reyes is not just a typical girl with a pretty face. She's a Student Council President of Blackwood University. Many guys don't just admire her beauty but also her incredible intelligence. Lucas Ross, is known as the...